Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsDump truck vs motorsiklo: Mag-ina patay, 1 pa sugatan

Dump truck vs motorsiklo: Mag-ina patay, 1 pa sugatan

CAMP OLIVAS, Pampanga — Dead on arrival ang mag-ina habang sugatan ang isa pang anak na babae nang aksidente ito mabundol ng isang dump truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Baranday Niugan, Angat, Bulacan noong Lunes ng umaga (June 17).

Base sa ulat na nakarating kay Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., PRO3 regional director, kinilala ang mga namatay na biktima ng insidente na sina Rosemarie De Leon, 24 anyos at ang anak nitong 7 taong gulang na si Princess habang sugatan ang 2 taong gulang na si Angel.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Angat police, binabaybay umano ng motorsiklo lulan ang mga biktima, na may plakang 947 QYK, ang kahabaan ng Gen. Alejo Highway sa Brgy. Niugan, Angat, Bulacan bandang alas-9:30 ng umaga nang aksidente itong masagi ng isang 10-wheeler dump truck, na may plakang ASA 9255.

Tumilapon ng ilang metro ang mga biktima ng aksidenteng masagasaan ng naturang dump truck na minamaneho ni Paulino De Leon Jr, residente ng Dizon Compound, Payumo St., Barangay Bangkal, Norzagaray.

Mabilis na rumesponde ang Angat Rescue Team at isinugod ang mga biktima sa Castro Medical Hospital sa Lungsod ng Baliwag kung saan idineklarang dead on arrival ang dalawa habang ang 2 taong gulang na bata ay kasalukuyang nasa masusing gamutan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Angat police ang driver ng naturang killer truck habang inihahanda ang mga kasong kakaharapin nito. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments