Tuesday, July 2, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionPope Francis ayaw sa bakla na magpa-pari?

Pope Francis ayaw sa bakla na magpa-pari?

NGAYON buwan ng Hunyo ay LGBT community “Pride Month”. Noong nakaraang taon ay nagkaroon ng 16th World Synod of Bishops sa Roma at nag-signal ang Pope Francis nang suporta ng bendisyon sa mga gay couples basta huwag lamang lalagpas sa pananaw ng katoliko sa sagradong kasal sa mag-asawang babae at lalake.

Naging malaking balita ang pahayag ng suporta ni Pope Francis sa suporta niya sa LGBTQ community at buong pusong wi-nelcome ng simbahang Romano Katoliko ito. Sinunod ang kautusan ng Vatican na payagan ang mga pari na bendisyonan ang mga ‘same sex couples’.

GINAGANAP kada taon ang LGBTQ+community ang Gay Parade sa buong mundo para gunitain at ipa-alala ang kultura ng mga lesbians, gays, bisexuals, transgender, at Queer (LGBTQ). 1969 noong pinaglaban ng grupo ang kanilang Karapatan mula sa pag-aaklas at pakikipaglaban sa 5th avenue ng Stonewall Inn Gay Bar sa Greenwich Village, Nueva York.

Nalito ang ibang katoliko sa pag-bibigay ni Pope Francis sa negatibo at masamang salitang binitawan laban sa LGBT kamakailan lamang sa pulong niya sa mga Italianong obispo sa Vatican at nagbigay ng nakalilitong pahayag sa mga una nitong suporta. Sa pulong ay nasambit nito na hindi siya pabor sa mga bakla na maging pari.

Nadismaya ang karamihan sa naturang pahayag ng Papa dahil ang statement na ganito ay hindi maituturing na maka diyos at di ayon sa doctrina ng katoliko na nakasaad sa biblia. Sa pagbibigay ng Vatican ng payahag na hindi intension ng Santo Papa ang makasanggi at makasakit ng damdamin ay isang pag-amin ng pagkakamali nito.

Ang Santo Papa ay nagpakumbaba sa kanyang naturang discriminatory statements laban sa LGBTQ lalo na sa mga nasaktan ng husto sa kanyang nabitiwang salita. Taong 2005 ng ipinatupad ng Vatican na ipinagbabawal ma-ordinahan ang mga mag-papari na may malalang gawi ng pagkabakla.

Sabi ng Santo Papa ay, kung ang isang bakla ay naghahanap kalinga ng panginoon at may Magandang intensiyon ay sino nga ba siya para siya ay hatulan?

Matatandaan na inakusahan ni dating Pangulong Duterte na 90 porsyento umano sa mga katolikong pari ay mga bakla at pinagsabihan din ang mga parokyano na sa bahay na lamang magsimba o magtayo ng kapilya sa kanilang mga tahanan para doon na lamang magdasal. Nasabi ito ng dating PRRD dahil sa pahayang ng Santo Papa na dapat umalis sa pagka-pari ang mga bakla o maging celibate ang mga ito.

Mahirap ang maging bakla at hindi pa din nalalalagpasan ang diskriminasyon dito. Hindi pa ganap na tanggap sa Lipunan ang LGBTQ kahit ano pa ang kanilang narating na achievements sa kanilang larangan. Hinahayaan lang na –‘andyan lang kayo’ syndrome, at kalaunan ay hindi pantay ang trato. Parang iba ang paningin sa isang miyembro ng third sex. Sa paggawa ng ingay ng LGBTQ community kailan kaya matatamo ang tunay ng pagtanggap at kalinga mula sa kanyang kapwa? (UnliNews Online)

Tungkol sa kolumnista:

Si Prof. Julio O. Castillo Jr. ay isang Doctor in Business Administration, academician ng business management and entrepreneurship, university professor sa graduate at undergraduate schools, academic research author, civil servant at nagsusulong ng mga adbokasiya para sa good governance and transparency, environmentalists, at community servant For comments and feedback, please write to my email address: pointsofview.unlinewsonline@outlook.com

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments