Tuesday, January 21, 2025
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsMulti-Purpose Building sa Norzagaray, pinasinayaan

Multi-Purpose Building sa Norzagaray, pinasinayaan

Ni Manny C. Dela Cruz

NORZAGARAY, Bulacan — Pinasinayaan kamakailan ang Multi-Purpose Building (covered court) sa pangunguna ni Bulacan 6th District Representative Salvador A. Pleyto, kasama sina District Engr. George Santos, Engr. Edgar Sarto, Engr. Tess Faustino, Engr. Ace Caper, Engr. Arnel Guballa, ng DPWH Bulacan 2nd District Engineering Office sa Barangay Friendship Village Resources, sa nasabing bayan.

Ayon Kay Bulacan 6th District Representative Salvador A. Pleyto, na ang nasabing covered court na pinagsikapan niyang naponduhan sa pamamagitan ng Kamara ay gagamitin sa mga pampublikong pagtitipon. Magagamit din anya ang nasabing pasilidad sa sports events tulad ng basketball, volleyball at iba pang larong pampalakasan.

“Mapakikinabangang mabuti ang multi purpose covered court sa panahong dinadalaw tayo ng kalamidad. Magsisilbing evacuation center ang pasilidad na ito kaya naman angkop na angkop ang pagkakataon ng multi purpose covered court sa inyong bayan,” dagdag pa ni Pleyto.

Napag-alaman naman Kay DE Santos, na ang nasabing pasilidad ay ginugulan ng pamahalaan ng sampung milyong piso (10,000,000.00) Ito ay may kabuuang floor area na 480 square meters kung saan ay binubuo ng apat na bays at ang bubong nito ay arch-type at mayroon ding stage at sadyang nilakihan ang espasyo para sa malalaking events.

Dahil ang multifunctional facility na ito ay nakalaan sa mga malalaking pagtitipon. Ito ay mayroong magkahiwalay na dressing rooms para sa lalake at babae. Mayroong kani-kanyang comfort room ang dalawang silid upang maging komportable ang mga taong gagamit ng mga pasilidad ng nasabing multiple purpose building.

Nagpaalala din si Congressman Pleyto sa mga mamamayan ng FVR Phase 1 na mahalin at ingatan ang kanilang covered court.. ” Pangalagaan at ingatan ninyong mabuti ang inyong multi-purpose covered court dahil magagamit ninyo ang pasilidad na iyan sa mahabang panahon. Walang ibang makikinabang diyan kung hindi kayo lamang.” Pagtatapos ni Cong. Pleyto.

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments