Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeNational News‘Perfect replacement’ dapat ang susunod na DepEd Secretary’ -- Cayetano

‘Perfect replacement’ dapat ang susunod na DepEd Secretary’ — Cayetano

MANILA — Sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Biyernes (June 21) na ang susunod na Kalihim ng Edukasyon ay dapat maging isang “perfect replacement” upang tumulong sa pagtugon sa malalaking hamon sa sektor ng edukasyon.

Ito ang komento ng senador nang tanungin siya ng mga mamamahayag tungkol sa pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang pinuno ng Department of Education (DepEd).

“I do not know at all the reason, what is going on the political side, but what I do know is napakalaki ng challenges natin sa education [sector],” wika ni Cayetano sa isang panayam sa Santa Rosa City, Laguna nitong June 21, 2024.

“We have to pick the perfect replacement and we have to spend more money and wisely dito sa DepEd,” dagdag niya.

Noong nakaraang taon sa 2024 budget deliberations ng DepEd, ikinaalarma ni Cayetano ang krisis na kinakaharap ng edukasyon.

Hinimok niya ang gobyerno ng agarang ayusin ito dahil kung hindi, “the country will be in trouble in the next 15 years.”

Nagpahayag din ng pag-asa si Cayetano, na nagsisilbi ngayon bilang chair ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education, na hindi makakaabala ang pagiging bakante ng posisyon sa paghahanda ng DepEd para sa nalalapit na pagbubukas ng school year.

“I hope any politics that is happening will not affect the opening of the school year. We have very professional people in the DepEd,” aniya. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments