Tuesday, July 2, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial News1,984 beneficiaries ng 4Ps sa Pandi, nagtapos sa ‘Pugay Tagumpay 2024’

1,984 beneficiaries ng 4Ps sa Pandi, nagtapos sa ‘Pugay Tagumpay 2024’

Nina Verna Santos at Allan Casipit

PANDI, Bulacan — Personal na dumalo si Senadora Imee Marcos para saksihan ang pagtatapos ng mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na may may kabuuang bilang na 1,984 Pandieño sa Amana Water Park sa Barangay Bagong Barrio sa naturang bayan noong Biyernes (June 21).

Ang 4Ps ay isang programa ng cash transfer ng Pilipinas sa ilalim ng DSWD na ipinatupad sa ilalim ng Republic Act No. 11310 noong Abril 17, 2019 at may layuning labanan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng conditional cash transfer sa mga mahihirap at ang mga nagsipagtapos ay masasabi na sila ay nakatawid na sa kahirapan at may kakayahan na sa kanilang kabuhayan at hindi na kailangang umasa pa sa 4P’s.

NAGPAPASALAMAT si Mayor Rico Roque at mga benepisaryo ng 4Ps sa walang humpay na pagtulong, serbisyo at paglilingkod ni Senadora Imee Marcos sa mga Pandieño.

Matapos ang isinagawang pagtatapos ng 4Ps ay dumalo din ang senadora sa isinagawang dayalogo sa harap ng SK Federation Presidents at mga Barangay Captains sa Pandi, kaugnay sa mga programa at proyekto ng mga ito sa kanilang mga nasasakupan.

Kasunod nito ay nagpaunlak din ang senadora ng pakikipanayam sa mga mamamahayag ng Bulacan patungkol sa nasyunal isyu tulad ng Divorce bill, isyu ng West Philippine Sea, mainit na usapin sa POGO sa ilalim ng superbisyon ng PAGCOR, paghihiwalay ng UNI TEAM at ibp.

Malugod naman pinasalamatan ni Pandi Mayor Rico Roque ang pagdalo ni Senator Imee Marcos sa pagmamalasakit at dedikasyon nito. At sa patuloy na pagsuporta sa bayan ng Pandi at sa mga Pandieño.

Nag-iwan din si Mayor Roque ng isang makabuluhang mensahe sa mga nagsipagtapos aniya, “Nawa’y magsilbing inspirasyon ang inyong pagsusumikap at ang pagsasabuhay ng mga aral na itinuro ng programang ito, hindi lamang sa mga kasalukuyang benipisyaryo kundi sa bawat Pandieño. Ang inyong tagumpay ay patunay na ang determinasyon at pagsisikap ay nagbubunga ng magagandang resulta.”

“Lagi ninyong tatandaan na ang ating lokal na pamahalaan ay patuloy na nakasuporta sa inyo. Patuloy na maghahatid ng serbisyong may Puso at Talino, tungo s mas maunlad at masaganang kinabukasan para sa lahat ng Pandieño,” ani pa Mayor Roque.

Dumalo din sa “Pugay Tagumpay” graduation ceremony sina Bise Gobernador Alex Castro, Congressman Ambrosio “Boy” Cruz, Jr. ng Singko Distrito, Vice Mayor Lui Sebastian kasama ang mga miyembro ng Sanngguniang Bayan, mga Kapitan ng Barangay at mga SK President. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments