Sunday, June 30, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsCayetano, hinikayat ang SAF sa kanilang ‘transformative’ role sa bansa

Cayetano, hinikayat ang SAF sa kanilang ‘transformative’ role sa bansa

LAGUNA — Para kay Senator Alan Peter Cayetano, maaaring makakuha ng inspirasyon ang ating mga kababayan mula sa Bibliya kung paano makakamit ang tunay na pagbabago.

Ito ang mensahe ni Cayetano nang magsalita siya sa closing ceremony ng PNP-Special Action Force (SAF) Command Course Class 123-2023 kung saan inihawig niya ang salaysay sa Bibliya tungkol sa pag-akay ni Moses sa mga Israelita palabas ng Egypt.

Iniugnay ito ni Cayetano sa konteksto ng PNP-SAF ngayon at sinabi na nananatili ang maraming hamon sa ating bansa.

“When the SAF was created, you were a transformative answer to the challenges of that era. [Yet] 40 years later, we are challenged not only by terrorism and crime, but we are still facing the mindset na hindi natin ito kaya,” wika niya sa event na ginanap nitong Biyernes, June 22, sa Santa Rosa City, Laguna,

Nanawagan si Cayetano sa PNP-SAF na muling pagtibayin ang kanilang pangako bilang isang “transformative force” sa lipunan.

“Ipakita natin ang purpose natin ay ang batas ay para sa lahat. No one will be left behind. Ang law enforcement ay hindi lang para sa inyo, kundi para sa bawat Pilipino,” wika ng senador.

Kabilang si Cayetano sa mga nanumpa ng tungkulin at nagsuot ng black beret na simbolo ng kanilang dedikasyon na lumaban at mamatay para sa bansa. Aniya, patunay ito sa patuloy niyang pagsuporta at paninindigan kasama ang PNP-SAF.

“I’d like to make it a personal commitment to you today na y’ung kailangan ninyong sweldo, benefits — including educational, health insurance, at housing — ay dapat mas pagtibayin at ayusin ng gobyerno,” pangako ng senador.

“Because, yes, some of you will be mothers and fathers or already are, but you cannot be thinking of two things. You cannot be focusing on how to increase your finances and then focusing na 24/7 naka-duty kayo,” dagdag niya.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, sinabi ni Cayetano na isasapuso niya ang pangakong ginawa niya kasama ang pwersa.

“Thank you from the bottom of my heart. Malaman po masyado ang binasa ko sa inyong pledge. Ibabaon ko po ‘yon, iuuwi ko ‘yon. Every single time that I will stand up at the session hall, committee hearing, and everytime I am called to do my duty, I will remember that pledge to give honor to class 123 of 2023 and to the SAF in general. God bless you!” wika ng senador. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments