Sunday, June 30, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsLevel Up Bayanihan sa Barangay, umarangkada sa Bangkal, Malolos

Level Up Bayanihan sa Barangay, umarangkada sa Bangkal, Malolos

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Bilang bahagi ng adhikaing isinusulong ni Mayor Christian D. Natividad na ibaba sa lebel ng barangay ang mga serbisyong hatid ng Pamahalaang Lungsod ay ipinagpatuloy ang Level Up Bayanihan kamakailan, na kung saan ay ang Brgy. Bangkal naman ang naging benepisyaryo.

Personal na inihatid ni Mayor Natividad katuwang kanyang Vice Mayor Miguel Alberto T. Bautista ang ang iba’t-ibang uri ng tulong at paglilingkod sa mismong tahanan ng mga kababayang bedridden at senior citizens.

Ayon sa alkalde, layunin ng nasabing programa ang pagbabalik serbisyo niya para sa mga mamamayan ng lungsod. Nais niya na balikan, isa-isahin at personal na lapitan ang mga indibidwal na higit na nangangailangan ng tulong at mag-abot ng serbisyong maaaring matanggap mula sa pamahalaang lungsod ng Malolos.

NAGSAGAWA rin ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos ng libreng legal consultation para sa mga kababayang may katanungang sa batas mula sa City Legal Office. (Malolos CIO)

Kabilang sa mga pangunahing serbisyo na ibinaba sa barangay ang libreng Medical Consultation, X-Ray, Circumcision(tuli), at mga gamot handog ng City Health Office; libreng dental check up, bunot at pagkakaloob ng 10 pustiso ng Dental Division; Libreng legal consultation mula sa City Legal Office, Seminar sa Meat Processing na siyang pwedeng gamiting sa paggawa ng Siomai at Dumplings; Chair Massage at libreng gupit mula sa City Training, Employment and Cooperative Office; libreng vegetable seed gaya ng Pechay, Saluyot, Ampalaya, Talong, Red hot Chili, at Sitaw ng City Agriculture Office.

Namahagi din ang Pamahalaang Lungsod ng mga leaflets patungkol sa pangangalaga sa kalikasan at tamang pagtatapon ng basura mula sa City Environment and Natural Resources; Libreng anti-rabies vaccination at pamurga para sa mga alagang aso mula sa City Veterinary Office; Libreng aplikasyon para sa mga nagnanais mag-aral sa ilalim ng Alternative Learning System ng Deped – ALS Malolos; at Basic Training ukol sa Disaster Preparedness hatid ng City Disaster and Risk Reduction Management Office;
Nagkaroon din ng pagkakataon si Mayor Natividad bisitahin ang 44 na bedridden, upang bigyan ng tulong pinansyal hatid ng Pamahalaang Lungsod.

Namahagi rin ng Wheelchair, Body Camera, Oxygen Tank, Reflective Vest, Flashlights, Mountain Bike, Laptop, Printer, Hand Tractor, Tricycle Patrol, Weighing Scale, Radio atbp.

Ilang kasapi ng Sangguniang Panglungsod ng Malolos na sina Konsehal Dennis San Diego, Konsehal Abgdo. Niño Carlo Bautista, Konsehal John Vincent Vitug, Konsehal Michael Aquino, Konsehal Victorino Troi Aldaba III, at ABC President Vicente Cruz ang sumama at nakiisa sa pagbababa at pagbibigay tulong ng Pamahalaang Lungsod sa mga Malolenyong taga Bangkal sa pamununo ni Punong Barangay Nam Bulaong.

Dumalo at nagpakita ng suporta sa programa sina City Adminstrator Joel Eugenio, Chief of Staff Ferdie Durupa, Executive Assistant Omar Magno, Punong Barangay ng Pinagbakahan Enzo Versoza, Punong Barangay ng Tikay Jawo Hernandez, Punong Barangay ng Bulihan Lito Zuniga, Malolos PNP at mga kawani at pinuno ng Departamento at Dibisyon ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments