Tuesday, July 2, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionGob. Daniel at Vice Gob. Alex, ‘magkahiwalay’ na nga ba?

Gob. Daniel at Vice Gob. Alex, ‘magkahiwalay’ na nga ba?

MAGKAHIWALAY na nga ba ang “The People’s Governor at Bagong Mukha ng Bulacan”?

Pilit ginigiba ang magandang samahan nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Alexis Castro ng mga maling balita o fake news na di umano’y magkahiwalay na nga ba at magkagalit na raw ang dalawa. Yan ang ang maiinit na bulong-bulungan ng mga “Marites” ng bayan.

GOBERNADOR Daniel Fernando at Bise-Gobernador Alex Castro, dedmahan na!

Mariing itinanggi nina Gob. Fernando at Bise Gob. Castro na wala itong katotohanan at paninira lamang. At di malaman kung saan ba nagmula ang mga maling impormasyon at sino ba ang nagpapakalat nito na walang magawa.

Paliwanag pa ni Gob. Daniel at Bise Gob. Alex na marahil nabuo at nagawan ng isyu ang ilan pagkakataon na may mga okasyon at imbitasyon na minsan isa sa kanila ang dumarating o nakakadalo dahil nagkakataon na may kasabayan ang programa kung kaya’t para mapagbigyan at mapaunlakan ang lahat.

Kung kaya’t hiwalay nila itong dinadaluhan na baon ang presensyang mensahe ng bawat isa.

Wika nga ng mga Bulakenyo nakabatid sa nasabing balita ‘pag hitik sa bunga ang isang puno ay may mangangahas na pumukol dito.

Sapagkat di naman maikakaila na ang magandang samahan nina Gov. Daniel at Vice Gov. Alex ay nagbunga ng maraming programa at proyekto na tumatak sa lalawigan ng Bulacan at mamayang bulakenyo.

Gob. Fernando at Vice Gov. Castro, mananatiling magkasangga at walang iwanan hanggang sa huli. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments