Monday, March 10, 2025
Amana Water Park
HomeLifestylePeople & CommunityPare Mo, Pare Ko, Pare ng Unang Distrito!

Pare Mo, Pare Ko, Pare ng Unang Distrito!

Ni Allan Casipit

LUNGSOD NG MALOLOS — Mga ka Unang Distrito, ang bilis ng panahon no? Patapos na pala sa ika-3 termino ang number 1 Bokal natin sa Unang Distrito ng Bulacan na si Board Member Allan Perlas Andan.

Isang taon na lang ang natitira niyang panunungkulan at eksaktong June 30, 2025 ay pang 9 na taon na siyang naglilingkod.

Parang kailan lang ng makita ko ang mukha niya sa mga tarpolin na kumalat sa 1st District ng Bulacan, maraming tanong sa isip ng tao kung sino nga ba sya? kaya naman sinikap ko siyang hanapin para makilala at kung ano ang dahilan kung bakit ang dami niyang tarpolin noon.

Madali ko naman siyang nakita at nakilala at doon ko napatunayan na mabait pala siya at masayang kausap, hindi ka aantukin at magsasawang kausap dahil nga madali syang makapalagayan ng loob.

Kaya naman ng malaman kong kakandidato pala siyang Board Member ng Unang Distrito ng Bulacan ay hindi ako nagdalawang isip na higit pa siyang kilalanin kung karapat dapat nga ba siyang maging Board Member natin sa 1st district ng Bulacan.

Nakita ko sa kanyang data noon na ipinanganak siya sa Manila pero siya pala ay lumaki sa Barangay ng Tikay sa Malolos at nalipat siyang manirahan sa Barangay Longos ng siya ay magkaroon na ng sariling pamilya, pero hanggang ngayon ay sa Brgy. Tikay, Malolos pa rin siya botante.

Maliit pa ang mga anak noon ni Bokal Allan Andan ng makilala ko sila at talaga namang mahusay siyang mangalaga bilang ama ng tahanan lalo na sa kaniyang mga anak na sina Nathan at Yuan Andan.

Si Bokal Allan P. Andan ay isang lehitimong Pilipino at lumaking Katoliko. Siya’y ipinanganak noong Mayo 12, 1971. Kasabay nya pala ng birthday si Gov. Daniel Fernando, kaya siguro halos kaparehas nya si Gov. Daniel Fernando na may mababang kalooban, masayahin at yung pagiging matulungin niya at higit sa lahat naging tapat sa paglilingkod.

Nagtapos si Bokal Allan sa Colegio de San Juan de Letran sa Manila sa kursong Bachelor of Science in Management at sa Don Bosco Academy sa Pampanga naman siya nagtapos ng sekondarya o high school noong 1988.
Dahil nga sa Barangay Tikay, Malolos siya lumaki ay nagtapos siya ng elementarya sa Immaculata Academy o Malolos o Holy Spirit Academy of Malolos.

Isa ring matagumpay na negosyante si Bokal Allan Andan dahil na rin sa mga skills nya sa Management Course for Gas Station sa Department of Energy noong taong 2002 at pagkakaroon niya ng kaalaman sa Basic Management Program sa Asian Institute Management o AIM noong 1994.

Bukod sa matagumpay na negosyante at matulungin itong si Bokal Allan ay naging aktibo din siya sa mga malaking organisasyon tulad ng pagkakahalal niyang Governor ng Lions Club International noong 2016-2017. Bago siya naging Governor ng Lions Club ay naging 1st and 2ng Vice Governor din sya nito noong 2014 to 2015 at 2015 to 2016.

Sa panahon na siya ay Vice Governor at Governor ng Lions Club International ay ibat ibang programa ang naibahagi nya sa grupo at higit sa lahat ay napakarami nilang natulungang mahihirap lalo na sa panahon ng bagyo at pagbaha sa ibat ibang bahagi ng Bulacan at iba pang lalawigan sa bansa.

Taong 2005 bago niya pinasok ang pulitika ay isa na siyang President noon ng St James Memorial Park at Sandigan Realty Development Corporation. At taong 2013 ay naging President din siya ng Nayutrade Corporation na hanggang ngayon ay kaniya itong pinamamahalaan bilang President.

Taong 2016 ng pasukin niya ang pulitika at doon ko siya unang nakilala ng kumandidato siyang Board Member ng Unang Distrito ng Bulacan na agad din niyang napagtagumpayan. Wala siyang talo simula ng una siyang pumasok sa pulitika at kasalukuyan nga siyang Number 1 Board Member ng Unang Distrito ng Bulacan.

Ang bilis talaga ng panahon at magsi siyam na taon na pala ang nakaraan. At ang isa sa mga ikinahanga ng mga taga Unang Distrito sa kaniya ay hindi siya nasangkot sa kahit anong anomalya sa pagiging Board Member dahil naging tapat siya sa paglilingkod nya bilang Board Member

Next election ay mapapalitan na ang ating number 1 Board Member sa Kapitolyo, kaya naman hangad natin at ng marami na sana yung papalit sa kanya ay mapantayan ang kanyang karapatan bilang Bokal ng 1st district. Bihira ang magkaroon ng ganitong lingkod bayan kaya sana madagdagan pa ang katulad niya sa Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan.

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments