Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeRegional News2 ‘paslit’ natagpuang patay sa loob ng kotse

2 ‘paslit’ natagpuang patay sa loob ng kotse

PAMPANGA — Dalawang batang magkapatid ang natagpuan nitong Lunes (July 8) ang wala nang buhay sa loob ng isang abandonadong sasakyan sa garahe ng isang punerarya sa bayan ng Sto. Tomas, lalawigan ng Pampanga.

Batay sa naging ulat kay Police Regional Office 3 Director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., ang mga biktima ay kinilalang sa mga alyas na “Ben”, 5 taong gulang at “Cesar”, 6, mga residente ng Bgy. Moras dela Paz sa Sto. Tomas.

Sa report ni Santo Tomas Municipal Police Station chief, P/Cpt. Jester Calis, bandang alas- 3:30 ng hapon nitong Lunes (July 8) nang madiskubre ang bangkay ng magkapatid sa loob ng sirang kotse sa harap ng Teng Funeral Services sa Purok 6 kotse sa Brgy. Moras dela Paz sa nasabing lalawigan.

Huling nakitang buhay ang mga biktima noong Sabado ng hapon ng Hulyo 6.

Ayon kay Calis, habang nanunungkit umano ng sampalok ang isang lalaki ay nakaamoy ito ng masangsang na amoy mula sa nakaparadang kotse.

Dahil dito ay nagpasyang usisain ng lalaki kung ano ang nangangamoy sa loob ng kotse at nang kaniyang silipin ay bumulaga sa kaniya ang bangkay ng batang magkapatid.

Agad namang ipinaalam ng naturang lalaki sa pulis.

Sinabi ng ina ng biktima sa mga imbestigador na inakala niyang kasama ng kanyang mga anak ang kanilang ama na nakatira sa kalapit na barangay.

Patuloy sa kasalukuyan ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan at isinailalim na rin sa pagsusuri ng SOCO ang mga labi para malaman ang dahilan ng pagkamatay ng dalawang bata. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments