Friday, December 13, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsDOLE, DBM nais isama sa Education Cabinet Cluster

DOLE, DBM nais isama sa Education Cabinet Cluster

IMINUNGKAHI ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagsali ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Budget and Management (DBM) sa panukalang paglikha ng bagong Cabinet Cluster na nakatuon sa edukasyon.

Ito ay bahagi ng isinumite na panukala kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) noong June 27, 2024 kung saan nagsisilbing co-chairperson si Cayetano.

Ang hakbang na ito ay naglalayong tugunan ang patuloy na krisis sa pag-aaral sa bansa sa pamamagitan ng pagtiyak ng malakas na koordinasyon sa pagitan ng mga pangunahing departamento at ahensya na nakatuon sa edukasyon at sa pag-unlad ng manggagawa.

Sa pamamagitan ng Republic Act 11899 noong July 2022, inatasan ang EDCOM II na magsagawa ng komprehensibong pagsusuri sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas at magmungkahi ng mga transformative policies upang matugunan ang mga hamon sa edukasyon at labor market.

Binibigyang-diin ng panukala ang pangangailangan para sa isang dedikadong Cabinet Cluster upang agarang harapin ang krisis sa pagkatuto at bumuo ng isang national education and workforce development plan.

Itinutulak ni Cayetano, na siya ring chair ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education, ang pagsali ng DOLE at DBM sa cluster upang matiyak ang patuloy na pagpopondo sa pagpapatakbo nito alinsunod sa workforce development goals.

Binigyang-pansin ng EDCOM II ang ulat ng EDCOM noong 1991 na humantong sa mga makabuluhang reporma, kabilang ang pagtatatag ng Commission on Higher Education (CHED) at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ang kasalukuyang panukala ay alinsunod sa nakaraang pagsisikap na ito sa pamamagitan ng pagtataguyod ng koordinadong pagpaplano, pag-monitor sa educational outcomes, pagpapabuti ng teacher education, at pagtukoy sa pangangailangan ng job market.

Upang makamit ang makabuluhang pagbabago sa edukasyon sa bansa, umaasa sina Cayetano at ang EDCOM II na ang panukala ay makatanggap ng kinakailangang suporta. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments