LUNGSOD NG MALOLOS — Pormal na pinasinayaan ang bagong gawang Pedestrian Gate ng Bulacan Police Provincial Office (Bul PPO) sa Camp Gen. Alejo Santos, Capitol Ground noong Lunes (July 15) sa nasabing lungsod.
Ang naturang pagpapasinaya ay dinaluhan nina Atty. Manuel Santos Coronel, the Governor’s Chief of Staff at Ms. Jubairah De Leon, Administrative Aide VI bilang mga representante nina Gov. Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alex Castro.
Pinangunahan ni Col. Relly B. Arnedo ang ang pagpapasinaya at blessing ng nabanggit na pedestrian gate kasama ang buong puwersa na kapulisan ng Camp Gen. Alejo Santos. (UnliNews Online)