Monday, March 10, 2025
Amana Water Park
HomeNational NewsEx-Sen. Trillanes, hindi ‘welcome’ sa Caloocan?

Ex-Sen. Trillanes, hindi ‘welcome’ sa Caloocan?

Ni Radynel Perona

AYAW ng mga peace-loving residents ng Caloocan CIty sa isang trouble-maker at maligalig na lider. Ito ang reaksyon ng samahan ng mga senior citizens sa North Caloocan nang mamahagi ng kilo-kilong bigas si ex-Senator Antonio “Sonny” Trillanes kamakailan sa nasabing lugar.

Kakandidato raw mayor ang dating senador, kaya nag-bitbit ang mga bag ng bigas na nakasulat ang kanyang pangalan. Diskarteng bulok ng isang bugok na TRAPO.

“Diyos ko po,maayos na kami dito at tahimik,papasok pa ‘yang rebeldeng yan,” galit na pahayag ni Mang Jun na isang antigong residente ng Caloocan.

‘Walang gagawin ‘yan pag naging mayor kundi makipag- away kung kani- kanino para magpasikat at ma-media. Matakaw sa publicity! Idadamay pa niya kaming mga tahimik na mamamayan ng lungsod. Paano na kami? Nganga na ulit pagnakatsamba ‘yang manalo?” Kuntento na kami sa aming meyor! Malaki ang nagawa ng mag-amang Mayor Along at Congressman Malapitan sa aming mga taga- Caloocan.

“Makikita naman ang hindi matatawarang pag-asenso ng siyudad lalo na dito sa North- Caloocan. Pati direktang tulong sa tao ok at tuluy- tuloy. Tsaka ayaw namin sa basagulerong tao. Gulo lang ang dadalhin nyan (Trillanes) dito sa amin,” pahayag pa ni Mang Jun.

May punto si Mang Jun. Bilang isang botante, magtitiwala pa ba kayo sa isang taong walang ibang record kundi ang manira sa kapwa imbes na magserbisyo sa taumbayan?

Hindi na lingid ang kalibreng ito ni Antonio Trillanes kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrille.

Dapat na ding dumistansya sa taong ito ang mga aspiring servants ng ating gobyerno para hindi na sila mahawa pa ng stigma ng kamandag ng taong ito.

Di ba dati nang tinawag ito ni dating Pangulong Digong na “Senator Retainer” dahil sa pagiging umano’y “go-to guy” ng gago para sa mga demolition operations lalo na sa mga puntirya ng “yellow mob” gamit ang mga “leaked documents.”

Maaalala ding inihayag ni Duterte na hindi konektado si Trillanes sa illegal drug operation pero mas may pera sa negosyong ginawa nito gaya na lamang ng pagsasamantala sa kanyang puwesto para makakolekta ng “retainers” sa ilang indibidwal. Blackmail ba?

Para sa kabatiran ng lahat, ang “retainer” ay ang regular na bayad para sa serbisyo ng isang “operator” Payola ba sa lengguwaheng kalye! Di nga ba noong senador pa ito ng bansa ay ginagamit nito ang kanyang puwesto para makapagsagawa ng imbestigasyon or expose kuno sa sinumang gusto nitong ilagay sa “hot seat” (gatasan)?

Maalala ding noong September 2012, nabunyag sa komprontasyon nito kay noo’y Senate President Juan Ponce Enrile na nagbibigay ito ng kanyang serbisyo kay dating Pangulong Noynoy Aquino nang walang kaalam-alam ang Senado?

Mismong si Trillanes ang nagsabing tila sinasabotahe ni noo’y DFA Secretary Albert del Rosario ang back-channeling efforts niya sa China.

Nag-walked out pa nga ang magaling na senador sa face-off nila ni Enrile matapos na ilantad nito ang kanyang incompetence bilang agent ni PNOY.

At ngayon, muli na namang sinusubukan ni Trillanes na ilunsad ang kanyang political prospects sa eleksyon sa susunod na taon sa pamamagitan ng pagsasampa ng graft cases gamit ang mga fabricated nitong so called evidence na base lamang sa mga recycled nitong alegasyon noon pang 2016.

Gusto pang maging mayor ng Caloocan. Ang kapal ng FACE. Ang mga ganitong tao gaya ni Trillanes ay BASURA ng lipunan na dapat itapon sa mga dump sites o ibaon sa lupa para wag umalingaw ang baho at makapagdulit pa ng perwisyo at sakit sa taong bayan.(UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments