Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINT‘Mayor Jocell, madaling kalaban, mahirap talunin’ -- Konsi Allen

‘Mayor Jocell, madaling kalaban, mahirap talunin’ — Konsi Allen

KAMAKAILAN ay nagsadya kami nila Rommel Manahan at Louie Angeles, sa Marceluz (eat all you can) Restaurant, sa Barangay Banga 1st, sa Plaridel, Bulacan at kami ay nananghali doon dahil may nakapagsabi sa amin na mababa ang presyo ng pagkain sa Marceluz at hindi nga kami nagkamali. Sa halagang P149 ay eat all you can pa at maraming putahe bukod pa ang litson baboy.

Pagkatapos naming kumain ay nakita naming nakaupo sa bakanteng mesa si Plaridel Councilor Allen Marcelo. Nilapitan namin siya upang makahuntahan. Alam ninyo, noong nabubuhay pa ang ama ni Konsehal Allen na si Tata Simo, ay naglalagi ako noon sa kanilang lugar. Para kaming magkakapatid ng kanyang mga nakatatandang kapatid na lalake na sina Rodolfo at Armando.

Plaridel, Bulacan Mayor Jocell Vistan Casaje

Balik tayo sa napaghuntahan namin. Tinanong ni Rommel si Kon. Allen kung may makakalaban sa mayoralty race sa May 2025 si Mayor Jocell Vistan Casaje. Sabi ni Kon. Marcelo, wala pa siyang nababalitaan na susubok na banggain si Mayor Jocel. Sabi niya: “Madaling kalaban naman si Mayor Jocell. Mag-file ka lang ng COC, kalaban ka na niya. Kaya lang, mahirap talunin si Mayor Jocell. Makapal na pader ang iyong babanggain. Kaya mahirap siyang tibagin.”

Naniniwala ako sa tinuran ni Konsehal Allen na mala-daluyong pa ang lakas ni Mayor Jocell. Sa aking sariling obserbasyon ay napakalakas ng political machinery ni Mayor Vistan at bukod sa lakas ng makinarya napakahaba rin ng kanyang pisi kaya hindi birong makatunggali ang political giant ng Plaridel.

Kaya naman naniniwala si Konsi Allen na hindi pa isinisilang ang pulitiko na tatalo Kay Mayor Jocell sa larangan ng pulitika. “Kahit ang aming team nakaseseguro kami na hindi kami pababayaan ni Mayor Jocell. Buong buo ang aming pag-asa na ang Team Vistan ang muling magwagi sa darating na halalan”, Sabi ni Konsi si Allen.

Ako naman ang nagtanong kay Konsehal Marcelo at aking kinumusta ang kalagayan niya bilang public servant. “Hindi ako nagpapabaya sa aking political career at kapag may mga event sa bawat barangay ng Plaridel ay palagi akong nakaagapay kina Mayor Jocell at Vice Mayor Lorie Vinta . Mainam kasi na palagi kang visible sa bawat barangay para kung dumating ang eleksiyon ay hindi nila ako malilimutan.” Aniya pa.

Isang mabigat na katanungan naman ang ibinato ni Rommel Manahan kay Kagawad Allen. Ang tinuran ni Rommel ay may nabalitaan umano siya na isa sa Team Vistan ang may pangarap na maging pangalawang punong bayan. Tinukoy ni Rommel ang aking kumare na si Konsehala Shiela Enriquez. Ang tanong kay Konsi Allen ay ito: “Kung magkalaban sa vice mayoralty race sina Vice Mayor Lorie Vinta at Konsehala Sheila Enriquez ay sino sa dalawa ang kanyang susuportahan?”

Nabigatan sa tanong ni Rommel si Konsi Allen dahil kapwa malapit sa kanyang puso sina Vice Lorie at Konsi Sheila at parang magkakapatid kung sila ay magturingan, Kumbaga, isang pamilya sa Team Vistan. Ito ang kanyang naging tugon. “Kung sino ang dadalhin ng aming partido at ng aming punong bayan ay siya ang aking susuportahan.” (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments