Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionSenador Imee R. Marcos, tinalakay ang maiinit na isyu

Senador Imee R. Marcos, tinalakay ang maiinit na isyu

KAMAKAILAN ay muling bumisita sa Lalawigan ng Bulacan si Senador Imee R. Marcos sa Syudad ng Baliwag at dito nagkaroon ng maikling Pulong balitaan at malayang sinagot ng senadora ang bawat katanungan na may ngiti sa labing tinalakay ang maiinit na isyu patungkol sa pamahalaan at maging ang kanyang malasakit sa kabuhayan ng maralitang pilipino.

Kabilang dito ang problema ng mga magsasaka ang patungkol sa pag-baba ng 15% na taripa ng imported na bigas.

NASA larawan si Senadora Imee R. Marcos (gitna) kasama sina Baliwag City Mayor Ferdie Estrella at Mayora Sonia V. Estrella sa ginanap na Local Consultation for Senate Bill Setting the Term of Office of Barangay Official na ginanap sa Business Center, City of Baliwag, Bulacan. (Allan Casipit)

Ayon sa senadora, “nakakaawa naman ang mga magsasaka natin at dapat ay pag-tuunan natin ito ng pansin dahil sa kabila ng pagbaba ng taripa di naman bumababa ang presyo ng bigas natin.

“Halos dalawang taon na tayong nabibigatan sa presyo ng bigas na dapat pag mababa ang taripa mababa na rin sa mga pamilihan subalit ito ay nasasamantala ng mga traders na ang nagdurusa ay mamamayan dahil ito ang isa sa pangunahin nating bilihin para sa ating hapag kainan,” dagdag pa ng senadora

Tinalakay din nito ang agawan sa teritoryo na posibleng maapektuhan ang kapakanan ng mga mangingisda at huwag silang magamit o itulak sa paglaban na wala man lang dala na kahit anong sandata. Maging ang ating mga kasundaluhan sa nagaganap na pag angkin ng China sa West Philippine Sea.

Giit ni Senador Imee na ‘dapat bago tayo makipagpa­litan ng maaanghang na sa­li­ta at maghamon ng away, magpalakas muna tayo at kailangan maibalik muna ang ginawang programa noon ng tatay ko na “Self Reliant Defense Posture.”

Idinagdag pa ng senadora na sana sa nalalapit na SONA ng ating Pangulo Ferdinand R. Marcos, Jr., unahin pagtuunan ang mga pagkain dahil sa walang humpay na pagtaas ng mga bilihin makagawa ng mga ptograma at solusyon na matulungan ang mga magsasaka, kapayapaan at pagkakaisa’. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments