Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinion13M Pinoy apektado ng Bagyong Carina

13M Pinoy apektado ng Bagyong Carina

GINULANGTANG ni Carina ang Metro Manila at karatig na probinsya sa ragasa ng baha na umabot hanggang leeg sa ibang lugar ang lalim nito. Nagdulot ito ng matinding trapiko dahil sa hindi madaanan ang lubog na kalye at dahil dito ay nagresulta ng malaking dagok sa Negosyo, eskwela at mga opisina dahil sa pagkakasara ng karamihan.

Sa delubyong inihatid nito sa bansa ay apektado ang 13 milyon katao. Sa Itbayat, Batanes nagmula ang bagyo sa lakas na 155 kilometro kada oras at may bugsong 190 kada oras. Hindi inaasahan ang pagbugso nito na nagdudulot ng malaking pinsala sa bansa. Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay umabot sa 28 ang binawian ng buhay sanhi ng tropical depression na ito.

BINAHA ang National Capital Region (NCR) dulot ng bagyong Carina at inilikas ang mga apektadong mamamayan sa mga evacuation centers ng bawat barangay. Apektado ng bagyo ang National Capital Region (NCR), Ilocos Region, Cagayan Valley Region, Central Luzon kasama na ang CALABARZON, MIMAROPA at kanlurang kabisayan.

Sa lakas nito ay nanatili ang pagbuhos ng ulan sa National Capital Region (NCR) at mga ibang probinsya ng Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Western Visayas. Nakita natin ang epekto sa kababayan natin na lumubog ang mga kabahayan, sasakyan at stranded na mananakay.

Malaking dagok sa ekonomiya si Carina dahil nagsara ng operasyon ang Philippine Stock Exchange at ang pagsasara sa palitan sa merkado na apektado ang hindi pagbubukas ng Central Bank na siyang umaalalay sa daloy ng ‘stock exchange’. Bukod dito ay Apektado ang 227 barangay na mayroon tinatayang 3,628,500 katao o 9971,667 pamilya ang nadale nito. Sa agrikultura ay may 7,751 hektaryang nasirang pataniman o agricultural lands ang nasira. 12,456 na magsasaka at mangingisda naman ang nabayo ang ani at huli ng isda na umabot sa tinatayang Php218 milyon.

Nanukso ang tadhana noong sinubukan ni Typhoon Carina ang 5,500 flood control projects na umabot sa P244 bilyon gastusin ng gobiyerno na ibinida noong SONA ni Pres BBM. Nasaksihan ng 31M Pinoy na hindi kinaya ng flood control projects na ito ang epekto ng isang bagyong may ganitong lakas.

May pera ang Pilipinas, hindi mahirap ang bansa. Mula sa bilyon-bilyong pondo ng intelligence funds at walang kwentang flood control projects na pinondohan ng ganito kalaking pondo, ang yaman ng bansa ay hindi maitatanggi.

Mananatiling mahirap ng mga kababayan natin dahil sa kontento na ang iba sa mga pangako ng mga pulitikong kanilang ibinoto. Ipinaglaban noong eleksyon kapalit ang kapirangot na relief goods, tupad at pera para sa boto at nagdurusa pag-may kalamidad gaya ng ganito habang si opisyal na kanilang ipinaglaban ay prenteng nagre-relaks sa loob ng air-conditioned na mansiyon. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments