Thursday, October 17, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsSen. Tolentino at Rosmar, namahagi ng ‘ayuda’ sa bayan ng Marilao

Sen. Tolentino at Rosmar, namahagi ng ‘ayuda’ sa bayan ng Marilao

Ni Allan Casipit

MARILAO, Bulacan — Pinangunahan nina Senate Majority Leader Sen. Francis “Tol” Tolentino at sikat na influencer vlogger na si Rosmar Pamulaklakin Tan ang paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina dito sa Barangay Lambakin sa nabanggit na bayan noong Miyerkules (July 31).

Hindi magkamayaw ang mga Marilenyo nang masilayan at madama ang bukal sa pusong paghahatid ng tulong ng masipag na senador kasama ang sikat na vlogger.

PERSONAL na dinalaw nina Senate Majority Leader Sen. Francis “Tol” Tolentino at vlogger na si Rosmar Pamulaklakin Tan ang mga Marilenyong biktima ng kalamidad noong Miyerkules (July 31, 2024) sa Barangay Lambakin. (Allan Casipit)

Namahagi ng food packs sina Sen. Tolentino, Rosmar at ang Team Malakas sa may 6,000 na indibiduwal na naging biktima ng kalamidad sa bayan ng Marilao partikular sa Barangay Lambakin.

Patuloy na tutulong ang butihing senador kasama ang sikat na influencer vlogger sa mga kababayang lubhang naapektuhan ng Bagyong Carina.

Bukod sa food packs, namahagi rin si Sen. Tol at Rosmar ng cash assistance at gadget sa ilang personalidad sa nasabing barangay. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments