Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsKapitan ng Barangay sa Angat, patay sa riding-in-tandem

Kapitan ng Barangay sa Angat, patay sa riding-in-tandem

LUNGSOD NG MALOLOS — Dead on arrival ang isang kapitan ng barangay sa bayan ng Angat, Bulacan matapos barilin ng riding-in-tandem sa Sitio Tugatog, Brgy. Marungko Sabado ng umaga (Aug. 3).

Sa ulat na isinumite kay Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., PRO3 regional director, kinilala ang biktima na si Wenceslao Bernardo, barangay chairman ng Marungko, Angat, Bulacan.

Sa inisyal na ulat, nagsasagawa ng isang clean-up drive ang biktima kasama ang kanyang mga ka-barangay dakong alas-6:30 ng umaga sa Sitio Tugatog, Barangay Marungko sa nasabing bayan nang dumating ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng kulay itim na Yamaha Aerox na motorsiklo na walang plaka.

Agad na binaril ng backrider ang biktima ng dalawang beses sa likod ng kanyang ulo.

Matapos ang insidente ng pamamaril, agad na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng bayan ng Bustos.

Isinugod ng mga bystanders ang biktima sa Twin Care Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Agad na nagsagawa ng dragnet at follow-up operation ang lokal na pulisya para sa posibleng pagdakip at pagkakakilanlan ng mga suspek habang hiniling sa Bulacan Forensic Unit na iproseso ang pinangyarihan ng krimen. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments