PANDI, Bulacan — Bilang bahagi ng Balik Eskwela 2024, ang Pamahalaang Bayan ng Pandi sa pamumuno ni Mayor Rico Roque at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ay nagpamigay ng bags at school supplies sa batang mag-aaral kamakailan.
Umabot sa kabuuang bilang na 3,300 Grade 1 pupils mula sa mga pampublikong paaralan sa naturang bayan ang nabiyayaan ng mga gamit upang masigurong handa ang mga bata sa pagbabalik-eswela.
Layunin ng proyektong ito ani ni Mayor Roque na makatulong sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gamit pang-eskwela.
Ayon pa kay Roque, taon-taon ay tinitiyak ng pamahalaang lokal na mabigyan ng mga kagamitang kakailanganin ng mga bata sa pag-aaral at sa paraang ito ay matulungan din ang mga magulang na mabawasan ang kanilang gastusin sa pagpapa-aral.
“Patuloy tayong magtulungan at magsumikap upang makapagtapos ng pag-aaral ang ating mga anak upang magkaroon sila ng mas maayos na kinabukasan,” saad pa ng alkalde. (UnliNews Online)