Feature Article
By Manny C. Dela Cruz
MULA sa bingit ng kamatayan ay nabuhay si Col. Ariel Querubin, upang tuparin ang isang mahalagang misyon, hindi sa larangan ng madugong digmaan kungdi sa larangan ng mga mambabatas sa Mataas na Kapulungan ng Kogreso.
Ang may akda ng artikulong ito ay humimay ng mga bahagi sa interview ng isang kilalang TV personality kay Col. Ariel Querubin, ang opisyal na sundalong Pilipino kung ano ang mahalagang misyon na kanyang sinabi makaraang iligtas siya ng Diyos sa tiyak na kamatayan noong tamaan siya ng Sikorsky helicopter gunship rocket at sa morgue ng Quirino Labor Hospital ay niloob ng Maykapal na siya ay mabuhay upang ipagpatuloy ang kanyang adhikaing makapaglingkod sa bayan.
Matatandaan na pumalaot na sa larangan ng pulitika si Querubin, sa pagka- senador noong nakaraang political exercise subalit hindi siya pinalad na magwagi kaya sa ikalawang pagkakataon ay susubukang muli ng Medal of Valor reciepient na lumahok sa larangan ng pultika.
Sa panayam kay Querubin ay tinanong ng interviewer kung bakit sa kabila ng 67 scars o mga bakas ng mga sugat na kanyang tinamo buhat sa mga tama ng bala ay nanatili siyang buhay. Simple lang ang kanyang naging kasagutan: “Meron pa siguro tayong misyon na everytime na humaharap tayo sa ganyang mga pagsubok. Unang-una para sa akin, kapwa mo Pilipino ang nakakasagupa mo puwede naman natin pag-uusapan ‘yan at ayusin natin no?”
Dahil sa maraming tama ng bala na kanyang tinamo sa buong panahon ng kanyang pagiging sundalo bilang miyembro ng Philippine Marine Corps, ay tinanong siya ng TV host kung mayroon siyang taglay na anting-anting dahil naligtasan niya ang maraming panganib maging ang hamon ng kamatayan ay kanyang napagtagumpayan. Wala akong anting-anting. Ang ginagawa ko lang sa sa gitna ng armadong labanan ay nananalig lang ako nagdadasal lang ako. Ang dasal ko lang palagi ay igabay mo ako, give me protection at huwag naman marami ang maging casualties.”
Sa pagpapatuloy ng kanyang kwento ay binanggit ni Col. Querubin ang isang madugong labanan na kanyang naranasan kasama ang mga magigiting na kawal Pilipino sa Kauswagan Lanao, Del Norte. “Nag umpisa ito doon sa Liberation of Kauswagan sa Lanao Del Norte kung saan kinubkob ang lugar noong sinakop sila ng MNLF taong 2000. Ang yunit namin na unang na-dispatch sa lugar to liberate Kauswagan we we’re able to rescue around 329 hostages.”
Sa pagpapatuloy ng kanyang kwento. “Kagagaling lang namin noon sa Palawan. Kabababa lang namin sa barko. So after that, akala ko makakapagpahinga na kami pero ang sabi naman ng mga senior na military commanders doon na we have to maintain the momentum. Kailangang itulak natin sila ‘yung MILF na nakabalik sila sa Camp Abubakar.”
Pagpapatuloy pa ni Querubin, “Habang kami ay papunta ng Inudaran, naroong may natumba may sumabog at pati yung malaking puno natumba na rin sa tindi ng bakbakan at that time. I think six o clock in the evening nagsimula na ang bakbakan at pagdating ng alas diyes ng gabi nagkaroon na kami ng mga casualty sila ‘yung mga tao na kumuha ng bala para sa akin. Isa-isa silang tinatamaan ng mga bala ng baril habang nasa tabi ko sila. Yung isang company commander ko si late Leutenant Javier Sabi ng kanyang ex-officer Sir tinamaan po si CO. Sabi ko paano kayo tatamaan e nasa likod ko kayo. So ibig sabihin napaligiran na pala kami ng mga oras na yon. It was 24 hours running gunbattle walang iwanan ‘Sir hindi ka namin iiwanan. Hindi ka rin naman nangiiwan ng tao’, sabi umano ng kanyang mga tauhan. Every time na ikinuwento ko ito para bang walang saysay ng award na iyon dahil nga may mga casualties sa labanan na very close sa akin.”
Sa madaling salita, naitaboy nila ang mga kalaban at naging saksi sa ginawang kabayanihan ni Col. Querubin at ng kanyang mga kasamahan ang pamilya ni Dexter. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, ang maliit na Dexter noon na nailigtas nila Querbin ay isa na ngayong opisyal ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas si Chief Inspector Dexter Acazo.
May sinabi pa ang sikat na TV host kay Col. Querubin, kung mayroon siyang taglay na anting-anting. Dahil nga sa 67 mga marka o peklat ng malalalim na sugat sa kanyang katawan ay nagawa niyang maligtasan ang mga panganib na kanyang kinaharap sa iba’t ibang pagkakataon. Smple lang ang naging kasagutan ni Querubin sa tanong na kung mayroon siyang amulet o anting-anting. “Nananalig lang ako nagdadasal lang ako bago mag-umpisa ang bakbakan. Ang dasal ko lang palagi ay igabay mo ako, give me protection na huwag kaming sapitin ng maraming casualty sa aming hanay.”
Tinanong pa ng TV host si Col. Querubin kung sakali na siya ay palarin na mapabilang na maging senador ng Republika ng Pilipinas sa darating na halalan ay anong klase umano ng mga lider ang kailangan ng ating bansa.
“Ang kailangan nating mga mamumuno una una ay may takot sa Diyos. At ang the best antidote naman to insurgency, violent extremism and even terrorism is good governance Ang good governance ay patatakbuhin ng mga matinding leaders na may malasakit sa kapwa, may takot sa Diyos at kapag nga pinalad siya ay prayoridad niyang isulong sa Kongreso ang Magna Carta for Women. Damang dama kasi ni Querubin ang naging kalagayan ng mga ginang na naulila ng kanilang mga asawang mga kawal na nangasawi sa labanan. Kaya palagi niyang sinasabi na babaunin niya sa senado ang 67 scars na kwento ng kanyang buhay. (UnliNews Online)