Monday, March 10, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionBaha, sanhi ng depektibong gov't ‘infra-projects’

Baha, sanhi ng depektibong gov’t ‘infra-projects’

PROBLEMANG Malaki ang epekto ng bagyo at pagbaha sa ating bansa. Malaking responsibilad ng LGU’s ng NCR at karatig kung paano ito aayusin para lutasin ang paulit-ulit na dinaranas ng ating kababayan pag – may ganitong kaganapan. Ang hindi makontrol na ‘squatting o informal settlers sa pagtatapon ng basura sa mga kanal at mga daluyan ng tubig o drainage ang naging dahilan ng matinding pag-baha sa mga nabanggit na lugar.

Ang Pilipinas ay karaniwang nakararanas ng 20 bagyo kada taon at 2 o 3 dito ay nagdudulot ng matinding pagbayo ng hangin at malakas na pag-ulan. Ano pa kaya ang puedeng gawin ng mga kinauukulan para maayos at maging handa sa mga kalamidad na darating para mabawasan ang pag-hihirap ng ating mga kababayan kung may ganitong sakuna?

MALING desenyo ng government infra-projects at informal settlers ang dahilan ng pag-baha sa malaking bahagi ng NCR. Inamin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang master plan ng flood management sa Metro Manila ay hindi pa kumpleto at wala pang 30 percent ang nagawa dito matapos na ma-aprubahan makaraan ang mahigit isang dekada o labis sa sampung taong nakalipas. (File photo)

Ang kasalukuyang pamahalaan ay may mga paghahandang ginagawa para sa ganitong panganib na susuungin pero hindi sapat para tapatan ang lupit at lakas ng bagyo gaya ni Carina. Nasaksihan natin ang malalakas na pinsala na naidulot ni Ondoy at Yolanda sa bansa pero hindi pa din sapat ang ating paghahanda sa pangyayari noong nakaraang 15 taon.

Kapag may ganitong kaganapan ay asahan ang mga imbestigasyon ng mga pulitiko at mangangakong aayusin ang sistema ng pag-tugon pag may kalamidad na naka-ambang. Ang turing dito ay “motherhood statement” o pangakong napapako at mamuti na ang mata mo sa kahihintay ng resulta. Paulit -ulit na lang ang ganitong sistema ng sisihan, hanapan ng butas kung sino ang nagkulang.

Naitalaga ang ahensyang may responsibilidad sa kalamidad ang Pambansang Tanggapan para sa Pagtugon ng Sakuna (National Disaster Risk Reduction and Management Council).

Ang NDRRMC ay nakikipag-ugnayan sa mga sangay ng ahensya sa pag-pa-plano, pag-organisa, at pag-monitor sa pag-iwas para mabawasan ang kapahamakang maidudulot ng mga sakunang maaring danasin ng bansa.

Sa ‘blame game’ o turuan na nangyayari ay nasisisi ang mali o kulang sa standards ang mga engineering works sa mga infra-projects na pinamamahalaan ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan (Department of Public Works and Highways). Napapansin ang ahensya na palpak ang paggawa ng mga kalsada at drainage system at hindi naging epektibo para maiwasan ang pag-baha tuwing may bagyo o matinding buhos ng ulan. Ang maling ‘drainage design’ o ang hindi angkop ang sukat sa inaasahang pag-buhos ng malakas na ulan ang nag-dudulot ng pag-apaw ng tubig at nag-re- resulta sa malalim na pag-baha.

Nararanasan na kahit kaunting pag-ulan ay madalas ang pag- baha sa NCR dahil sa mga maling desenyo ng road system, dahilan sa pagbara ng trapiko sanhi ng depektibong ‘engineering design’.

Maging totoo na sana ang pamahalaan na gumawa ng tamang desenyo ng inprastraktura. Para maiwasang makapag-dulot ng pahirap sa mamamayan kapag may sakuna. Walang dahilan para maghilata at tumunganga na lamang ang mga opisyal ng ahensyang nabanggit para makaisip ng paraang makaiwas sa panganib na banta ng sakuna. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments