LUNGSOD NG MALOLOS — Pinasinayaan kamakailan sa pangunguna ni City Mayor Christian D. Natividad ang karagdagang 3 palapag na may 6 na silid aralan sa San Pablo Elementary School.
Maliban kay Natividad, ang naturang inagurasyon at ribbon-cutting ceremony ay dinaluhan nina Schools Division Superintendent (SDS) Dr. Leilani Cunanan, CESO V, Konsehal Abgdo. Dennis D. San Diego, Konsehal Michael M. Aquino, at Konsehal John Vincent G. Vitug III.
Isa na namang itong pagpapahalaga ng kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Natividad na nakasentro sa edukasyon na may hangaring makapag-aral ng maayos at makatapos ang mga kabataang Malolenyo.
Ani ni Natividad, “mula nang siya ay maupo bilang alkalde ng Lungsod ng Malolos ay isa sa kanyang adhikain na makapagpatayo ng mas maraming silid-aralan at eskwelahan upang makapagtapos ng pag-aaral ang mga kabataang Malolenyo.” (UnliNews Online)
(Photo credits to T. Sy)