Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeShowbiz BalitaNBI nakatanggap ng CCTV footages mula sa 3 hotel

NBI nakatanggap ng CCTV footages mula sa 3 hotel

Kaugnay sa kaso ni Sandro Muhlach

TATLONG hotel umano ang nagsumite ng mga kopya ng CCTV sa NBI kaugnay ng kaso ni Sandro Muhlach.

Ang mga footage ay mula sa mga hotel na pinuntahan ni Muhlach bago at pagkatapos ng umano’y pangmomolestya. Nakipag-ugnayan ang mga hotel sa NBI Public Corruption Division matapos silang makatanggap ng subpoena.

Inimbitahan din ng NBI ang dalawang independent contractor ng GMA Network para magbigay ng kanilang salaysay.

Ang mga naturang footage ay mahalagang ebidensya para sa pagpapatuloy na imbestigasyon.

Inaasahang magbibigay-linaw ang mga footage na ito sa mga kaganapan bago at pagkatapos ng insidente.

Patuloy ang masusing pagsisiyasat ng NBI sa insidente, habang umaasa ang publiko na makakamit ang hustisya sa pamamagitan ng mga ebidensyang nakalap. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments