PANDI, Bulacan — Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Bayan ng Pandi ang second wave ng LABExpRess, ang libreng medical check-up program para sa mga lolo at lola
Ayon kay Mayor Enrico Roque na ang lokal na pamahalaan ay nagsasagawa ng follow-up na LABExpRess kada anim na buwan upang masubaybayan ang kalusugan ng mga matatanda.
“Ngayong araw (Aug. 13), sinimulan na natin ang 2nd wave ng LABExpRes, ang ating regular na libreng medical check-up program para sa ating mga Lolo at Lola. Marami tayong na check-up noong unang wave at gusto kong tiyakin na tuloy-tuloy ang pag-aalaga sa inyong kalusugan,” ani ni Roque.
Kabilang aniya, ayon sa alkalde sa libreng serbisyong pangkalusugan ang FBS (fasting blood sugar), cholesterol, at uric acid testing, ultrasound, chest X-ray, ECG, at gamot.
“Itong follow-up check-up na ginagawa natin every six months ay mahalaga para masubaybayan ang inyong kalagayan at maagapan kung may kailangang tutukan,” dagdag pa ni Roque.
Kwento pa ng alkade, “katulad ni Tatay Nestor na bumaba na ang resulta ng FBS, Cholesterol at Uric Acid. Nakatutuwa pong malaman na kagaya ni Tatay Nestor, nababantayan natin ang kalusugan ng bawat Senior sa ating bayan. Kaya naman, nandito na ulit ang LIBRENG check-up para sa FBS, cholesterol, uric acid, ultrasound, chest X-ray, ECG at libreng gamot sa mga nangangailangan.” (UnliNews Online)