Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsCong. Pleyto at Mayor Jowar, namahagi ng ‘AKAP’ sa mga Angateño

Cong. Pleyto at Mayor Jowar, namahagi ng ‘AKAP’ sa mga Angateño

MISTULANG walang kapaguran sa walang patid na pamamahagi ng ayuda sina Congressman Salvador “Ador” Pleyto, Kinatawan ng ika-6 na Distrito ng Bulacan at Angat Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista para sa mga Angateño.

Muli na naman namahagi ng tulong na “Ayuda para sa mga Kapos ang Kita Program o AKAP” na umabot sa 1,149 benepisyaryo sa bayan ng Angat na ginanap sa municipal covered court noong Agosto 8, 2024.

Ang nasabing programa ay nagmula sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez at sa pamamagitan o inisyatibo ni Congressman Salvador Pleyto ay nabigyan ng karagdagang suporta ang mga pamilyang hindi sapat ang kinikita. At ang pamamahagi ay pinangasiwaan naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Lubos naman ang kasiyahan at pasasalamat ng mga nakatanggap ng tulong pinansyal, anila ay malaking tulong ito pandagdag para sa kanilang mga pangangailangan o bayarin.

“Maraming salamat sa inisyatibo ni Cong. Pleyto na mabigyan kami ng pinansiyal assistance dahil malaking tulong ito para sa aking pamilya,” sabi ng isang ina na benepisyaryo ng AKAP.

Taos-puso din pinasalamatan ni Mayor Jowar ang ama ng kanilang distrito na si Cong. Ador Pleyto, sa walang sawa nitong pagsuporta at pagkakaloob ng mga proyekto sa kanilang bayan.

Matapos ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay nagkaloob pa si Cong. Ador Pleyto ng tig-2 bisikleta sa mga kapitan ng bawat barangay ng Angat upang magamit sa pag-patrolya ng mga tanod sa kani-kanilang barangay.

Dumalo sa nasabing programa si Vice Mayor Arvin Agustin at mga konsehal ng bayan na sina William Vergel De Dios, Wowie Santiago, Blem Cruz, Andro Tigas, Darwin Calderon, Ramiro Osorio, Kapitan Nerio Santiago Valdesco at JP Solis tagapagdaloy ng palatuntunan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments