Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeShowbiz BalitaLea Salonga, nag-reak sa post ni BINI Gwen

Lea Salonga, nag-reak sa post ni BINI Gwen

NAGREAK si Lea Salonga sa post ni BINI Gwen Apuli tungkol sa fans.

Ayon kay Gwen may kumatok umano sa kwarto nila para lang magpa-picture.

Pinost ni Gwen ang ginawa ng fans at nag viral ito.

Aniya, may mga fans daw na hindi nakikita ang boundaries between the time they perform and the time they spend for their personal life.

“Nakakalungkot, palala na [nang] palala,” aniya sa post na inayunan naman ng kapwa niya BINI na sina Aiah Arceta t Maloi Ricalde.

Need din naman daw nila ang privacy, respect, at pahinga. At sana raw ay maintindihan sila ng fans.

Sey ng isang fan, “I’m so sorry about what happened to you at the hotel Gweny”

“Eto yata yung bagong post ni Gwen sa X eh”

“May mga fans na inaalam location nila tas ung iba kinakatok na room ng girls para magpapicture”

“Yan din ung nangyari kay Aiah last time”

Nagreak ang Broadway singer/actress na si Lea Salonga.
Ni-repost niya ang post ni Gwen at nilagyan ng highlight, “respect boundaries.”

“The ladies of BINI are human beings,” aniya.

Naranasan din kasi ni Lea last year, ang ginawa ng fans na pumasok sa kanyang dressing room na para sa kanya ay napaka-rude at disrespect. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments