Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsSuporta at pondo para sa grassroots sports, muling isinulong

Suporta at pondo para sa grassroots sports, muling isinulong

MANILA — Muling nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano para sa mas malaking suporta sa grassroots sports, sabay sabi na tiyak niyang ito ang sasabihin ni Philippine Olympic Committee (POC) President at Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” N. Tolentino sa Senado.

“If Bambol Tolentino will be allowed to speak right now, he will ask na sana yung nasa batas na pondo na galing PAGCOR ay mapunta na sa PSC at POC,” sabi ni Cayetano kamakailan.

SENADOR Alan Peter Cayetano at Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” N. Tolentino.

Kasunod ang pahayag na ito ng paghahain ng Senate Resolution No. 1156 na kanyang isinulong kasama ni Senador Francis Tolentino bilang pagkilala sa matagumpay na kampanya ng POC sa 2024 Paris Olympics sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Tolentino.

Ayon kay Cayetano, sa halip na makatanggap ng parangal, mas gusto ni Mayor Tolentino na unahin ang paglalaan ng pondo sa Philippine Sports Commission (PSC) at POC.

Sa kanyang talumpati, nagpasalamat din si Cayetano kay Mayor Tolentino at sa mga atletang Pinoy sa pagdadala ng karangalan sa bansa.

“We thank the medalists; sila ang symbol of success ng ating [mga] atletang Pilipino,” sabi niya.

“We’d also like to salute you and say from the bottom of our hearts, Bambol Tolentino, maraming maraming salamat sa’yo,” dagdag niya

Kasabay nito ang paghahain nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ng SRN 1161 bilang pagkilala kay Mayor Tolentino sa kanyang pamumuno sa POC, lalo na sa panahon ng mga makasaysayang tagumpay ng mga atletang Pilipino sa mga pandaigdigang kompetisyon, kasama na ang Olympics.

Binigyang-diin ng magkapatid na senador na naging mahalaga ang paggabay ni Tolentino sa tagumpay ng mga atletang Pilipino sa pandaigdigang entablado.

“POC President Bambol Tolentino should be commended for his strong leadership, helping steer our athletes to greatness,” ayon sa resolusyon.

Pinuri rin ng mga senador ang serbisyo ni Tolentino bilang POC President mula July 2019, at binanggit sa resolusyon na sa ilalim ng pamumuno ni Tolentino, matagumpay na nairepresenta ng POC ang Pilipinas sa mga pangunahing pandaigdigang kompetisyon.

Binibigyang-diin ng resolusyon ang mga makasaysayang tagumpay sa ilalim ng pamumuno ni Tolentino, kabilang na ang kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa na napanalunan ng weightlifter na si Hidilyn Diaz sa Tokyo 2020 Olympics.

Kasali rin ang mga medalya sa Paris 2024 Olympics kung saan nakakuha ang gymnast na si Carlos Yulo ng dalawang gold medal at tig-isang bronze medal naman para sa mga boxers na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas.

Sa ilalim din ng pamumuno ni Tolentino, narating ng Pilipinas ang pinakamataas na posisyon sa Olympics sa Paris Games, kung saan nagtapos ang bansa sa ika-35 na pwesto.

Kinikilala rin ng resolusyon ang husay ng mga atletang Pilipino sa 19th Asian Games sa China nitong October 2023, kung saan nakapag-uwi ang Pilipinas ng 18 medalya, at sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam noong 2022 kung saan nakakuha ang Philippine team ng 260 medalya (58 gold, 85 silver, at 117 bronze).

Sa resolusyon, muling iginiit ng mga senador na sa ilalim ng paggabay ni Tolentino, narating ng bansa ang makasaysayang tagumpay na ito sa larangan ng sports.

“The excellent showing of Team Philippines in recent international competitions, especially in the recently-concluded Olympics, would not have been possible without POC President Bambol Tolentino’s leadership and guidance,” ayon sa resolusyon. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments