MALAKING pasasalamat ang inihayag ni Senator Christopher Bong Go sa kanyang mga kasamahan sa Senado dahil sa suporta na ma-aprubahan ang anim na local hospital bills, kasama na dito ang ma-upgrade at maka-gawa ng mga bagong ospital sa bansa.
Kilala bilang Mr. Malasakit ang senador at sa kanyang pag-iikot ay Nakita niya ang mga kakulangan sa mga pasilidad at kagamitan sa mga pagamutan ng bansa. Kasama na dito ang bilang ng pasyente na nangangailangan ng kalinga at tugon para magamot ang kanilang mga sakit at matulungan sa kanilang hinaing.
Nabanggit ni Sen. Go sa plenaryo na isang napaka-laking kontribusyon ang pag-gawa ng mga ganitong hakbanging. Maigi na lamang, bilang pinuno ng Committee on Health at Demography ay mabibigyan na ng senador nang tamang ‘focus’ para ma-pino at agarang ma-aprubahan ang mga bills gaya ng ‘DOH’ bed capacity rationalization at pag-upgrade sa mga pasilidad ng hospitals sa bansa.
Sa dami ng pondo ng PHILHEALTH, sana ay ma-sustena ang mga pangangailangan ng ating kababayan para ma-isakatuparan ang mga programa at proyekto ng Universal Healthcare Law.
Maraming kaso ang hindi nagagamit ang mga benepisyo para sa mga pasyente at nangangailangan nito. Nasaan na kaya ang mga Pondong nalikom ng ahensya?
Nararapat lamang na pangunahan ng komite ang pag-dinig sa senado para maimbestigahan at malaman kung saan napupunta ang pondo ng PHILHEALTH.
Maraming pasyente natin ang umaalis na lamang sa ospital dahil hindi kinakaya ang bayarin, eh ano pa ang silbi Ninyo diyan sa PHILHEALTH kung hindi rin nagagampanan ang inyong mandato na tulungan ang mga naghihingalong pasyente sa bansa?
Ang reserbang pondo ng PHILHEALTH ay aabot sa kalahating trilyong pesos o P550 bilyong halaga sa pagtatapos ng 2024. Sa pondong ito ay kaya nitong ma-sustena ang gastusin hanggang tatlong taon at inaasahang magkakaroon ng P61 bilyon ‘net income’. Malaking halaga ito kumpara noong 2019 na nagtalaga ng P4 bilyon hanggang sa umabot ng P173 bilyon noong isang taon.
Balikan natin ang imbestigasyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PHILHEALTH) sa senado noong 2019, kasagsagan ng anomalya sa ahenya. Naipakita dito ang nakakabahalang kalakaran ng pagbabayad sa ‘insurance claims’ o reimbursement ng serbisyo mula sa health-care institutions (HCIs). Madaling manipula ang mga claims sa PHILHEALTH dahil sa technology (IT) portal na rekomendado ng ahensya. Sa portal na ito makikita kung ang mga claims ng HCIs ay in-process o naibalik o rejected dahil may kakulangan sa dokumento, malalaman rin kung na – deny o nabayaran.
Naging malaking problema ng HCIs ang pagiging inconsistent sa data ng portal at kalimitan ay nag-re-register na nabayaran na ito, pero hindi pa natatanggap sa mga hospitals ang kabayaran.
Masuwerte ang ating kababayan dahil sa matibay na pamantayan ni Senator Bong Go sa kalagayan ng kalusugan ng bansa. Sa dami ng pondo ng PHILHEALTH ay tila hindi pryoridad ang pagtulong sa ating kababayang may karamdaman. Sa nakaraan public hearing sa senate committee on health, ay pina-alalahanan ng senador ang mga nakasalang na opisyal ng Department of Finance (DOF), Department of Budget and Management (DBM), at PHILHEALTH sa planong pag-lipat ng ahensya ng sobrang pondo sa National Treasury at di kinunsidera ang kapakanan ng ating hikahos na kababayan sa kanilang healthcare services.
“Morally, hindi katanggap-tanggap ito, ang pondo para sa kalusugan ay dapat gamitin para proteksyonan ang kalusugan ng taong bayan”, sambit ni Go. (UnliNews Online)
PAGBATI: Maligayang Kaarawan kay Dr. Amy T. Adona ng Tagaloguin-Adona Polymedic and Diagnostic Center Inc. (TAPDCI) at Pagbati sa kanyang ‘good Samaritan na asawa Dr. Benecio Adona ng Ozamiz City. Katuwang ang Western Mindanao Command, Ang kawani ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ‘Rebel Returnees’ ng Mindanao ay ‘blessed’ sa inyong pagkakawanggawa na mabigyan ng libreng “health services”. Mabuhay po kayo!