Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeLifestylePeople & CommunityLaganap na krimen sa paligid ng Kapitolyo ng Bulacan, pinabulaanan

Laganap na krimen sa paligid ng Kapitolyo ng Bulacan, pinabulaanan

LUNGSOD NG MALOLOS — Mariing itinanggi ng Provincial Government of Bulacan at Malolos City Police Station ang napaulat sa social media na laganap na insidente ng pangho-holdup at pandurukot sa mga estudyante ng Bulacan State University kamakailan.

Base sa ipinalabas na pahayag ni Gob. Daniel Fernando, sinabi nito na “Mariin ko pong pinabubulaanan ang mga balitang ito. Ang lahat ng mga nabanggit na insidente ay walang batayan at likha lamang ng mga indibidwal o grupo na naglalayong magdulot ng takot sa ating mga kababayan, lalo na sa mga magulang at estudyante dito sa lalawigan Bulacan.”

Ayon sa gobernador, siya ay agad na nakipag-ugnayan sa pinuno ng Provincial Civil Security ang Jail Management Office na si ret. Col. Rizalino Andaya at mariiin nitong pinabulaanan ang mga kumakalat na balita.

Aniya, walang naitalang insidente tulad ng nabanggit sa mga nakalipas na linggo at wala ring nagsadya sa kanilang tanggapan upang dumulog hinggil rito. Palagian rin ang pag-iikot ng mga tanod at mga guwardiyang nakatalaga sa Kapitolyo upang masiguro ang kaligtasan ng mga Bulakenyo.

Ayon naman sa Malolos City Police sa pamumuno ni Lt. Col. Andrei Anthony Manglo, ang mga kumakalat na mensahe sa social media kaugnay ng serye umano ng holdup at pandurukot sa mga estudyante ng Bulacan State University ay walang basehan at gawa-gawa lamang ito ng ang layunin ay maghasik ng takot lalo na sa mga mag aaral, magulang at sa mga taga Malolos.

Base sa resulta ng imbestigasyon ni Lt. Col. Manglo, walang naitatalang ganitong insidente sa himpilan ng pulisya maging sa barangay na nakakasakop ng unibersidad, tiniyak nilang tinutukoy na ang mga nasa likod ng nagpapakalat ng naturang impormasyon.

Pinayuhan ng pulisya ang mga residente ng Malolos na maging mapanuri sa mga nababasang impormasyon sa social media gayun din sa pag papakalat ng mga impormasyon na hindi pa beripikado ng mga otoridad.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matunton ang mga indibidwal o grupo ng mga indibidwal na nasa likod nito na patuloy sa pag gawa at pagkalat ng mga malisyosong balita.

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Fernando ay nangako na gagawin ang lahat upang masiguro ang kaligtasan ng bawat Bulakenyo.

“Higit po nating paiigtingin ang visibility ng mga taong nakatalaga sa pagbabantay sa bisinidad ng ating Kapitolyo upang hindi magkaroon ng pagkakataon ang mga masasamang loob na gumawa ng krimen. Wala pong hinangad ang inyong lingkod kundi ang matiyak ang inyong kaligtasan at patuloy na mamuhay sa isang mapayapa at maayos na komunidad,” ani Gob. Fernando. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments