Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBusinessBanking5 negosyo tips para sa mga Overseas Filipinos

5 negosyo tips para sa mga Overseas Filipinos

PARA sa karamihan ng mga Overseas Filipinos, darating din ang panahon na mas gugustuhin nilang mag-negosyo sa Pilipinas matapos ang maraming taong pagta-trabaho sa abroad. Bukod sa sila ang magiging boss ng sariling business, malaki rin ang potensyal na lumaki ang kanilang kita at hindi na kailangan pang mahiwalay sa kanilang pamilya.

Pero maraming bagay ang dapat i-consider bago sumabak sa negosyo. Narito ang ilang tips sa mga kabayang nais magkaroon ng sariling business:

Mag-research nang mabuti

Ano ba ang business objective mo? Bago maglaan ng panahon at kapital sa isang negosyo, mag-research muna nang mabuti sa papasuking negosyo. Sino ang iyong target customer? Matao ba sa lugar kung saan mo balak itayo ang negosyo? Patok pa ba ang produkto o serbisyong inenegosyo mo? Hanapin muna ang kasagutan sa mga ito bago umpisahan ang business.

Kumpletuhin ang mga requirements

Alamin at lakarin ang mga kinakailangang requirements bago simulan ang negosyo. Halimbawa: barangay clearance, Mayor’s business permit at lisensya, rehistro ng pangalan ng negosyo sa Department of Trade and Industry (kung single proprietorship) o sa Securities and Exchange Commission (kung partnership o corporation), Bureau of Internal Revenue registration, business plan, location clearance, location map, sanitary permit, fire permit, corporate bank account setup, atbp.

Mag-dedicate ng oras sa negosyo

Mag-dedicate ng sapat na oras sa negosyo—kung hindi man mula sayo, dapat mula sa taong pinagkakatiwalaan mo na magaasikaso ng iyong business. Kumpara sa pagiging empleyado na 8 oras kada araw at limang araw lang ang kadalasang kailangang igugol sa kumpanya, ang pagnenegosyo ay 24/7 kasama na ang weekends at holidays, ayon nga sa mga experts. Bilang boss ng iyong negosyo, tungkulin mo na tutukan ang lahat ng aspeto ng iyong business.

Magtanong sa mga business experts

Bilang baguhan ka pa sa pagnenegosyo, natural lang na mangangapa sa simula. Ang pagtatanong ay hindi indikasyon ng kahinaan. Huwag mahiyang magtanong lalo na sa mga taong pinagkakatiwalaan mo na matagal na sa negosyo at mula sa katulad na industriya o sector na balak mong pasukin. Huwag matakot na humingi ng tips kung paano magsimula, ano ang gagawin sa panahon ng krisis, paano kung hindi pa kumikita sa simula, atbp. Pumunta rin sa mga seminar o forum ng mga kilalang business organization para makakuha ng insights at mahahalagang tips, o sa mga website tungkol sa mga epektibong pagnenegosyo.

Sa bangko pumunta para manghiram

Para sa iyong initial capital, wag matakot na lumapit sa bangko para mag-loan. Ang mga bangko ay regulated ng Bangko Sentral at nag o-offer ng interest rate na ayon sa merkado. At dahil regulated ng gobyerno, protektado rin ang kapakanan ng mga maliliit na negosyante tulad mo.

Hangga’t maaari, huwag gamitin ang lahat ng savings para sa negosyo dahil mas kakailanganin mo ito sa panahon ng emergency, tulad ng hospitalization, atbp. Mas mahalaga na kumuha ng “good loan” mula sa bangko na naka-disenyo talaga para sa pagnenegosyo, pang-renovate ng bahay or pambayad ng tuition. Isa na rito ang Kabayan Loan mula sa BDO.

Ang Kabayan Loan ay isang loan ng BDO Network Bank exclusive para sa mga Kabayan Savings account holder lamang. Ang mga overseas Filipinos at kanilang beneficiary ay maaaring magbukas ng Kabayan Savings sa kahit saang branch ng BDO Unibank o BDO Network Bank, o online. Bukod sa pagbigay access sa Kabayan Loan, magagamit ng mga overseas Filipinos ang Kabayan Savings para sa mabilis at ligtas na pagpapadala nila ng remittance sa kanilang beneficiaries.

Upang maging magaan ang pagtatayo ng negosyo, maaaring mag-loan ng hanggang Php300,000 sa Kabayan Loan at pinasimple at pinabilis na rin ang proseso sa pag-a-apply dito. Para sa iba pang detalye tungkol sa Kabayan Loan, maaaring bumisita sa website nito na www.bdonetworkbank.com.ph/kabayan-loan. (Manny D. Balbin)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments