Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeShowbiz BalitaAhron, biktima rin ng ‘ekploytasyon’ ng direktor

Ahron, biktima rin ng ‘ekploytasyon’ ng direktor

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang cryptic post ni Ahron Villena sa kanyang Instagram story, kung saan tila may pinatatamaan siyang director na umano’y nag-exploit sa kanya.

Sa nasabing post, ibinahagi ng aktor ang naging karanasan sa isang direktor na umano’y nang-exploit sa kanya noong nagtrabaho sila sa isang proyekto.
Ibinahagi niya ang insidente kung saan ang direktor ay pumasok daw sa CR at pinaalis ang tumutulong sa kanya.

Ayon kay Ahron, ang direktor umano ang nag-insist na siya ang maglagay ng plaster para sa eksena.

Maraming netizens ang nagaabang kung sino ang tinutukoy na direktor ni Ahron sa kanyang post.

Ani Ahron, “Nagsalita pala ‘etong direktor na ‘eto na matagal na daw nangyayari ‘yung mga ganu’ng scenario? E, kung sabihin ko kaya na isa ako du’n sa artistang na-exploit at ikaw ‘yun!”

Ibinahagi pa niya ang insidente kung saan kinakailangan niyang mag-plaster para sa isang eksena. Ayon sa kanya, habang siya ay tinutulungan na ng isang miyembro ng production team, bigla umanong pumasok ang direktor sa CR at pinaalis ang tumutulong sa kanya.

“Wala namang problema sa akin pero ilang beses mo tinatamaan at dinidikit ‘yung kamay mo,” pagbubulgar pa ng aktor. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung sino ang tinutukoy na direktor sa post ni Ahron. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments