Nina Verna Santos & Allan Casipit
CALUMPIT, Bulacan — Personal na binisita ni Senator Imee R. Marcos ang mga batang mag-aaral ng mga bayan ng Calumpit, Hagonoy, Guiguinto at Plaridel upang ipamahagi ang 500 school supply package sa bawat bayan na nabanggit noong Lunes (Aug. 26).
Unang nilapagan ni Senadora Imee ang bayan ng Calumpit na ginanap sa Colegio de Calumpit sa Barangay Iba o este, Calumpit, Bulacan.
Kasunod ang bayan ng Hagonoy, Plaridel at Guiguinto. Bukod pa sa mga gamit pang eskwela ay nagkaloob din ang senadora ng tinapay na kilala sa taguring Nutribun bilang karagdagang sustansya sa kalusugan ng mga batang mag- aaral.
Sinabi ni senadora na namahagi siya ng mga school supply dahil sa pag-aalala sa mga batang mag aaral na wala pang mga kagamitan sa eskwela sapagkat batid ng senadora na nalubog sa baha at ang mga magulang ay tiyak na kapos dulot ng katatapos lamang na pagbaha sa mga lugar.
Labis naman ang pasasalamat ng mga magulang sa tulong ng senadora dahil uamano malaking tulong ito at kabawasasan sa kanilang mga gastusin para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Kaalinsabay ng nasabing pamamahagi ay nagsagawa din ng pakikipag-dayalogo si Sen. Imee sa pagitan ng mga ABC Presidents, Barangay Captains at mga SK Federation.
Matapos nito ay sumandaling nagbigay ng panayam sa mga mamamahayag ng Bulacan ang senadora na ginanap sa Villa Emmanuel Wave pool Resort sa Brgy. Poblacion, Plaridel, Bulacan. (UnliNews Online)