HABANG papalapit na ang May 2025 midterm eleksyon ay tila mahihirapan ang sino mang makakatunggali ng magka-tandem na sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise-Gobernador Alexis A. Castro sa lalawigan ng Bulacan.
Sapagkat saan man sulok sa Bulacan talaga naman nangingibabaw ang kanilang angking karisma, ’ika nga sa showbiz ay mayroong silang tinatawag na “audience impact” bagamat isinantabi muna nila ang industriya ng pag-aartista at kapwa naka focus ang dalawang bituin sa pagiging isang public servant.
Ang tambalan nila Gob. Daniel at Bise-Gob. Alex na pilit ginigiba ay lalong tumitibay. Kamakailan ay napabalitang hiwalay na raw di-umano ang magkapareha at nasundan pa ito na tatakbo na lamang daw na mayor sa bayan ng Guiguinto si Gob. Daniel at gayundin si Vice Gov. Alex sa bayan naman daw ng Marilao na kapwa itinanggi at tinawanan lamang ng “The People’s Governor” at ng “Bagong Mukha” ang mga kumakalat na fake news, anila lahat ng ’yan ay gawa-gawa lamang at imbento ng taong walang magawa.
Sa kabila nito, saksing buhay ang mga Bulakenyo sa pananatili ng mabuting samahan ni Fernando at Castro. Patuloy na maghahatid ng serbisyo publiko sa lalawigan.
Magkatuwang na bubuo ng mga programa para sa pakinabangan ng mga Bulakenyo, gaya ng Kapitolyo sa Barangay, Damayang Filipino (DF) at mga proyekto mula sa inisyatibo ng nasyunal na ibinababa sa Bulacan. Sa pamamagitan ng kanilang matiyang pakikipag-ugnayan at pakikiisa ng mga kasangguni nito.
Nandyan din ang VG Action Center na inilunsad ni Vice Gov. Alex na matatagpuan sa bayan ng Sta. Maria at Vg Action Center (Satellite Office) sa bayan ng Marilao upang mas lalong mailapit sa mga Bulakenyo ang tulong at serbisyong medikal.
Ang paghirang noon kay Vice Gob. Alex bilang pangalawang Ama ng lalawigan ay ‘di nasayang sapagkat sa loob ng magta-tatlong taon nitong paglilingkod sa buong bahagi ng Bulacan ay nagpamalas din ito ng kanyang kahusayan pagdating sa paglilingkod sa bayan at mamamayan maging sa pagpapatibay ng mga batas bilang isang lehislatura.
Isang buwan na lamang ang lalakaran at magaganap na ang inaabangan ng lahat na kung sino nga ba ang maghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-gobernador at bise-gobernador.
Batay sa anunsyo ng Commision on Elections (Comelec) ang filing ay sisimulan sa Oktubre 1 at matatapos hanggang oktubre 8. At kung sakaling magbago naman ang isip ng isang kandidato ay maaari itong umatras at palitan hanggang Nobyembre 15.
Bukambibig ng Bulakenyo, “Doon na tayo sa subok na sa larangan ng paglilingkod. At’ wag nang sumubok sa isang kandidato na bigla na lamang sumulpot na parang kabute, dadaanin sa pangakong maglilingkod at tutulong na sa dulo ay mananatiling pangako na napako!” (UnliNews Online)