Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeShowbiz BalitaMatteo dinala si Sarah sa lugar ng ama sa Italy

Matteo dinala si Sarah sa lugar ng ama sa Italy

NILIBOT ni Matteo Guidicelli ang hometown ng kanyang ama sa Italy kasama ang misis na si Sarah Geronimo.

Aniya sa kanyang IG post caption, “Venice, Italy. Exploring more about Murano and maybe some shopping.”

Sa video, makikitang binibiro ng Popstar Royalty ang mister, asking her “love” where he is.

Sagot ng natatawang hubby, “I’m in my hometown!”

“This is where my papa and my grandfather, Gianni, are from,” dagdag pa niya.

Enjoy ang mag-asawa lalo na si Sarah habang nililibot nila ang lugar na pinanggalingan ng asawa.

Para silang mga bata na naglalaro while walking in Venice.

Mukhang nawiwili sa pag-eexplore ng iba’t ibang bansa ang mag-asawa.

Aba, ang Venezia trip ay nasundan ng Edinbugh, pero bago sa nasabing mga lugar ay nag-explore na rin sila earlier in the month sa Australia.

May concert sa Sydney si Sarah G after nun ay nag-ikot ang mag-asawa sa Australia.

Gayundin ang ginawa nina Sarah at Matteo nang lumipad sila sa Los Angeles, California nang tanggapin niya ang award para sa Billboard Women in Music Awards kung saan ang singer ang first Filipina na nanalo ng Global Force Award.

They also explored Los Angeles after the event.

Back to Italy, may nagkomento na kaya raw iniikot nina Matteo ang lugar dahil naghahanap sila ng venue para sa kanilang church wedding?

Matatandaang kinasal ang lovely couple nung 2020 nang walang bendisyon ng mga magulang ni Sarah.

Nabanggit ni Matteo sa isang panayam na magpapakasal sila ni Sarah sa Italy.

Eto na kaya iyun?

Wala lang matanong lang po. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments