Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsTsokolate ng masa, nakiisa sa BUFFEX 2024

Tsokolate ng masa, nakiisa sa BUFFEX 2024

Nina Verna Santos at Allan Casipit

PERSONAL na pinuntahan at binisita ni Gobernador Daniel R. Fernando ang stall o pwesto ng iba’t- ibang produkto na nakiisa sa 2024 Bulacan Food Fair and Exposition (BUFFEX) na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos, Bulacan, mula Setyembre 2 hanggang Setyembre 6, 2024 bilang bahagi ng Singkaban Festival 2024.

Isa sa nakiisa sa BUFFEX ay ang L-A-L-A Sugar Confectionery Products Manufacturing na matatagpuan sa Barangay Tuktukan sa bayan ng Guiguinto.

Ang L-A-L-A Chocolate o “Tsokolate ng Masa” ay nasa 3 dekada na. Ito ay pinasimulan ng mag-asawang sina Luvimin at Salvacion Belaro taong 1975. Sila ay biniyayaan ng apat na anak.

Sila ay kapwa tubong Bicol at nagdesisyon na manirahan sa probinsiya ng Bulacan at nag baka sakali na makahanap ng regular na pagkakakitaan.

Noong una si G. Belaro ay isang karpintero at ang kanyang maybahay na si Gng. Sion ay nagtitinda ng isda sa Balintawak.

Upang mas higit na matugunan ang noo’y lumalaking pamilya ni Belaro, naisipan ng mag-asawa na gumawa ng “molido,” ang pangkaraniwang minatamis o kendi sa Bicol na gawa sa sweet potato na itininda naman ni Gng. Sion.

Pinuhunanan ng mag-asawa ang paggawa ng molido sa halagang 20 pesos at nang lumaon ay isa sa kanilang mamimili ang nagpahiram ng kapital para mas mapalago ito.

Ang pangalan ng kanilang negosyo na L-A-L-A ay isinunod sa pangalan ng kanilang bunsong anak na si Gng. Lala Belaro-Yabut.

Si Ginang Yabut ang siya ngayong nangangasiwa ng nasabing negosyo mula ng pumanaw ang kanilang mga magulang.

Ang produktong L-A-L-A ay may iba’t ibang klase gaya ng Classic Chocolate, Ube Pastillas, Tsokulit, Rice Crispy, Strawberry, Milky Vanilla at Mocha Loca at ang bago nilang produkto ay ang LALA Chewy Chocolate Brownies, Chewy Ube Brownies at Chewy Caramel Brownies. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments