SI P/Colonel Ferdinand Germino ang bagong talagang Provincial Director ng lalawigan ng Nueva Ecija.
Si Col. Germino ang pumalit sa puwesto na dating hawak ni Col. Richard Caballero na nare-assign sa regional police headquarters sa Camp Olivas sa City of San Fernando, Pampanga.
Sinabi ni Germino sa kanyang unang command conference sa Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) conference room na ipagpapatuloy niya ang mga kasalukuyang plano at programa ng kanyang hinalinhan, partikular ang on-going infrastructure projects ng provincial police office.
Ang bagong Top Cop ng Nueva Ecija ay kabilang sa PNPA Class “Tanglaw Lahi” ng 1999 at dating itinalaga bilang hepe ng Regional Headquarters Support Unit, sa Camp Olivas.
Si Germino ay dating na-assign sa HPG Bulacan at huling na-upo bilang chief of police ng City of Malolos. (UnliNews Online)