Friday, November 8, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsLibreng vet services para sa mga alagang hayop ngayong Singkaban Festival 2024

Libreng vet services para sa mga alagang hayop ngayong Singkaban Festival 2024

LUNGSOD NG MALOLOS — Bilang bahagi ng buong linggong pagdiriwang ng Singkaban Festival 2024, maghahandog ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng serbisyong pang beterinaryo at pagsusulong ng responsableng pagmamay-ari ng alagang hayop sa pamamagitan ng Veterinary Medical Mission sa pangunguna ng Provincial Veterinary Office na gaganapin sa Mini-Forest Stage, Capitol Compound sa Thursday (Sept. 12) mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Magbibigay naman ng kinakailangang serbisyo sa pangangalaga ng alagang hayop ang mga lisensyadong beterinaryo mula sa mga munisipalidad ng Pulilan, Marilao at Lungsod ng Baliwag kabilang ang libreng spay at neuter sa mga pusa’t aso, libreng anti-rabies vaccination, basic health check-ups, treatment at deworming kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang mga may-ari na kumunsulta sa mga beterinaryo tungkol sa wastong pangangalaga ng alagang hayop, nutrisyon, at pag-iwas sa sakit.

Bukod pa sa serbisyong beterinaryo, dadalo rin ang exhibitors gaya ng Whelps Shop for a Cause, Nutrichunk, Emervet, Unahco, yumyum at Peternity upang mag-promote ng wellness products para sa mga alaga, mamahagi ng flyers, at mamigay ng freebies sa mga pet owner.

Samantala, inaanyayahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang lahat ng pet owners at animal lovers na samantalahin ang mga libreng serbisyong ito at lumahok sa kapistahan.

“Ang inisyatibang ito ay hindi lamang naglalayong tugunan ang kanilang mga pangangailangang medikal kundi isinusulong din nito ang responsableng pag-aalaga ng hayop. Ang kalusugan ng ating mga alaga ay isang salamin ng ating malasakit at responsibilidad bilang mga nag-aalaga,” anang gobernador.

Ang mga interesadong pet owners ay hinihikayat na magparehistro nang maaga sa Provincial Veterinary Office upang makakuha ng kanilang iskedyul dahil hindi pinapayagan ang mga walk-in. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments