GINAWARAN ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamumuno ni Mayor Christian D. Natividad ng “Special Citation Award” na handog ng The Bulacan Chamber of Commerce and Industry Inc. (PCCI) at Pamahalaang Lalawigan ng Bulacan sa pagtatatag ng konsepto at ideya ng “Banchetto Night Market” sa ikatlong araw ng Bulacan Food Fair and Exposition 2024 (BUFFEX) bilang bahagi ng pagdiriwang ng SINGKABAN 2024.
Ang Banchetto Night Market o mas kilala sa tawag na Malolos Banchetto ay isang programang binuo at tinatag ni Mayor Natividad na magbibigay ng libreng pwesto para sa mga Malolenyong Micro, Small, and Medium Enterprises Business owners o MSMEs matapos ang nagdaang pandemya.
“Ito rin ay bahagi o parte ng pagpapalago ng local food culture, food tourism at providing livelihood na siyang isinusulong ng PCCI,” ani alkalde.
Bukod sa Special Citation Award, ay kinilala at ginawan din ng plake ng pagkilala ang dalawang Bulacan Food Champions na sina Flor’s Carinderia at Route 95 Diner.
Ilan din sa mga produktong matatagpuan sa BUFFEX 2024 ay mula sa lungsod ng Malolos, kagaya ng Catalina’s kitchen na Ang produktong itinampok ay ang Empanada de Kaliskis na kilala bilang Isa sa mga paboritong meryenda noon pang 1820s.
Nandoon din ang Taverna na nag aalok naman ng mga lutuing madalas nating matikman sa ating mg hapag kainan. Bukod sa mga pagkain lumahok din sa nasabing exposition ang grupo Ng Malikhaing Malolenyo na kinabinilangan naman ng mga mananahing sumailalim sa pagsasanay sa pananahi ng mga terno at iba’t ibang mga gown na may temang filipiniana.
Dumalo at nagpakita ng suporta sa programang BUFFEX 2024 sina Former Senator Paolo Benigno “Bam” Aguirre Aquino IV, Ofelia B. Mangulabnan, Chairman of Board, BCCI, Maria Alegria “Bing” Sibal-Limjoco, VP- Regional Affairs, PCCI, Corina Tengco- Bautista, Cristina Tuzon Regional Governor, PCCI Region III, Carmencita C. UychocoVP for Membership, BCII, Municipality of Guiguinto Mayor Agatha Paula A. Cruz, at Vice Mayor Miguel Alberto T. Bautista. (UnliNews Online)