Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeShowbiz BalitaOgie nanghihinayang sa career ni Liza

Ogie nanghihinayang sa career ni Liza

NANGHIHINAYANG umano si Ogie Diaz dahil iniwan ni Liza Soberano ang kanyang career dito sa Pilipinas.

Aniya, sana raw habang sumasabak ang aktres sa Hollywood, ‘di niya iniwan ang career dito sa bansa.

Hiling din niyang maramdaman muli ang dating Elizabeth Hope Soberano lalo na’t napabalitang wala na umano sa Careless management ang aktres.

Ayon sa kanya, nalulungkot siya na hindi naipagpatuloy ni Liza ang kanyang showbiz career dito sa Pinas habang tinutuloy nito ang pangarap sa Hollywood.

“Pero kung ang pag-uusapan ay yung mga nagawa ni Liza, nanghihinayang lang din ako. Na sana na-continue niya ‘yun. Na sana ay tinuloy-tuloy niya ang showbiz career niya dito sa Pilipinas at yung kanyang dream sa Hollywood ay isinabay lang din niya.”

Aminado si Ogie na hindi pa rin nawawawala sa kanyang puso si Liza.

“Minsan may lungkot, minsan may kurot. Hindi pa rin naaalis dun na sana ay maramdaman ulit namin yung si Elizabeth Hope Soberano lalo na yung mga taong nakakakilala sa kanya,” sambit pa ng dating manager ni Liza.

Sampung taon din namayagpag ang career ng aktres dito sa bansa.

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogied naging kontrobersyal na.ang kanyang kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang ‘This is me’ vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano’y naisiwalat ni Liza. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments