Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionPara saan pa ang Media Accreditation sa PPAO?

Para saan pa ang Media Accreditation sa PPAO?

TALAGANG mapapa-sana all na lang ang ilang mamamahayag sa Bulacan sa tuwing may malakihang kaganapan na kailangan ng media coverage. Aba’y mantakin n’yo ilan lamang ang pinalad na maimbitahan, kapag hindi ka paborito e ’di nganga ka!

Mahabang panahon na ang ganyang tradisyon o nakasanayan at ilang gobernador na ang nagdaan na ating nasaksihan. Kada magpapalit ng gobernador ay mag-uupo ng panibagong hepe sa departamento ng Provincial Public Affairs Office (PPAO).

Subalit wala naman nababago. Paulit-ulit na lamang ang sistema nang kawalang pagkilala sa ibang mamamahayag, palala ng palala ang ’di makatuwirang sistema sa pagitan ng PPAO at mga mamamahayag, nakakaumay na kumbaga sa pagkain.

Sa kasaluyan ang PPAO ay minamaniobra ni Chief Katrina Anne B. Balingit, at sa simula ng kanyang pamamalakad ay may maganda namang pagbabago. Sa katunayan ay isa nga tayo sa humanga dahil maganda naman sa pandinig ang panimulang hakbang na kanyang nais ipatupad hanggang sa sumunod naman ang lahat ng kasapi ng mga “tunay na mamamahayag” sa Bulacan at ito ay matagumpay naisakatuparan.

Matatandaan, ang naturang tanggapan ay nagpa-fill-up ng panibagong media profile, mapa-nasyunal man o lokal. Ang nasabing media profile ang magsisilbing patunay kung ikaw nga ba ay tunay na mamamahayag, working media o kalabi’t penge.

Kinakailangan na mag-sumite ang bawat mamamahayag na nakabase sa Bulacan ng walong (8) artikulo simula sa buwan ng pag-atas nito ay bibilang ng anim na buwan pabalik. Kinakailangan ang 8 news article ay gugupitin kasama ang petsa at kung saang pahayagan ito nalathala, kalakip ang pormal na liham mula sa kung saan konektado ang bawat isang mamamahayag bilang katunayan na ito ay may kaugnayan sa kanila.

Sa pamamagitan ng nasabing bagong panuntunan ay nakilala ng nabanggit na tanggapan ang lehitimo at “haoshiao” o ’yung hindi talaga marunong gumawa o magsulat ng balita .

Subalit tila may nagaganap pa rin na diskriminasyon. Tsk! Tsk! Tsk! Kahit na magsumikap pa si Juan Dela Cruz ay nandyan pa rin ang tanikalang pilit na humihila pababa sa ’di malamang dahilan, ang siste kadalasan nauuwi sa nganga ang pobre.

Hiling ng mga kapatid ni Gat. Marcelo H. Del Pilar na nawa’y maputol na ang napakatagal ng umano’y di magandang sistema na umiiral sa departamentong inyong pinamamahalaan.

Naniniwala tayo sa kakayahan ni Ma’am Kath na ito ay kanyang pagsusumikapan na maging maayos ang kanilang ugnayan sa pagitan ng hanay ng mga tunay na mamamahayag.

Sapagkat bago natin tapusin ang pitak na ito ay atin siyang nakapanayam at malumanay na naipaliwanag niya ang tunay na usapin hinggil dito. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments