Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsRobbery suspect patay sa engkwentro sa Malolos police

Robbery suspect patay sa engkwentro sa Malolos police

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Patay ang isa sa dalawang robbery suspects, na nangholdap sa isang dental clinic sa nasabing lungsod noong Friday (Sept. 13) matapos na makaengkuwentro ng mga pulis sa follow-up operation.

Sa ulat na isinumite kay Col. Satur Ediong, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, dalawang suspek na kapwa armado ng baril at puwersahang pinasok ang isang dental clinic sa Barangay Liang at tinangay ang dalawang iPhone at isang Gucci bag na naglalaman ng P2,000 in cash at agad na tumakas matapos ang insidente ng pagnanakaw.

Agad namang rumesponde ang mga operatiba ng Malolos City Police Station matapos makatanggap ng ulat at sa pamamagitan ng CCTV footages ay nakilala ang isa sa mga suspek na si alyas Ram.

Ang dragnet at follow-up operation na isinagawa ng Malolos City Police ay humantong sa pag-neutralize kay alyas Ram matapos manlaban sa pag-aresto.

Ang pangalawang suspek, na hindi pa nakikilala, ay nakaiwas sa pagdakip sa pamamagitan ng puwersahang sumakay ng motorsiklo at tumakas patungo sa bayan ng Hagonoy.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga operatiba ng Malolos City Police para madakip ang natitirang suspek. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments