Monday, March 10, 2025
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsNature-based Flood Protection Project sa Malolos, uumpisahan na!

Nature-based Flood Protection Project sa Malolos, uumpisahan na!

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Pinangunahan ni Kingdom of the Netherlands Ambassador to the Philippines Marielle Geraedts ang paglulunsad ng North Manila Bay Nature-based Flood Mitigation Solution na ipapagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa paligid ng isla ng Pamarawan na nasa Manila Bay.

Layunin ng proyekto na mabawasan hanggang tuluyang mawala ang matagal nang problema ng lubos na paglubog sa tubig ng isla ng Pamarawan at mailahad ang isang detalyadong plano at konkretong solusyon.

Ayon naman kay City Mayor Christian D. Natividad na magiging proteksiyon din ang naturang proyekto upang mapangalagaan ang isla sa mga daluyong tuwing may habagat at malakas na bagyo.

Ayon naman kay City Mayor Christian D. Natividad na magiging proteksiyon din ang naturang proyekto upang mapangalagaan ang isla sa mga daluyong tuwing may habagat at malakas na bagyo. (Malolos CIO)

Naisakatuparan aniya ito bilang pilot project ng Alyansa ng mga Baybaying Bayan ng Bulacan at Pampanga (ABB-BP) na nagbikis upang tugunan matagal nang problema sa pagbabaha sa pamamagitan ng agaran at pangmatagalang solusyon.

Sa kaniyang tugon sa isang katanungang kung ano ang nagbunsod sa kaniya upang sumugal sa ganitong kalaking proyekto, hindi aniya importante sa kanya kung maliit o malaki ang isang proyekto, ang importante ay makagawa ng isang solusyon na makatutulong sa paghihirap ng mga Malolenyo laban sa pagbaha. Kaya’t hinikayat niya ang bawat isang nagsidalo na makiisa sa sa implementsyon ng programang ito sa lalong madaling panahon.

Nagpasalamat din ang alkalde sa bansang Netherlands sa pangunguna ni Ambassador Marielle Geraedts at Netherlands Enterprise Agency na nagtalaga sa Royal Haskoning DHV-Philippines na gumawa ng kompehensibong plano na maglalagay ng mga mga istrukturang proteksyon na nakabatay sa sistemang makakalikasan.

Base sa ginawang presentasyon ng mga eksperto sa pangunguna nina ni Eileen Vizmonte at Raman Maharjan ng Royal Haskoning DHV-Philippines, ang naturang proyekto ay may 3 istruktura at ito ay ang Green Embarkment, Enhanced Breakwater at ang Sediment Trapping Unit. (Malolos CIO)

Sa inisyal na detalye ng proyekto na ilalagak sa bahagi ng Pamarawan na nakaharap sa Manila Bay, ibabalik ang balanseng ekolohikal kung saan muling magtatanim at pakakapalin ang mga bakawan. Sa susunod na 15 taon, makakaya na nitong pigilin ang pagpasok ng tubig dagat sa isla at makakalikha pa ng sangtuwaryo para sa mga isda, hipon, at mga crabs na dadagdag sa kabuhayan ng mga tagarito.

Base sa ginawang presentasyon ni Eileen Vizmonte at Raman Maharjan ng Royal Haskoning DHV-Philippines sa ginanap na pagpupulong, ang naturang proyekto ay may 3 istruktura at ito ay ang Green Embarkment, Enhanced Breakwater at ang Sediment Trapping Unit.

Ang Green Embarkment ay ang pagtatanim ng mga bakawan na magsisilbing harang o bakod na pipigil sa enerhiya ng alon at magpapabagal ng daloy ng tubig patungo sa baybayin.

Ang Enhanced Breakwater ay ang paglalagay kolonisasyon ng mga talaba at ng mga kawayan na magbibigay ng karagdagang tibay at tatag sa harang o bakod laban sa pagbaha o storm surges habang ang Sediment Trapping Unit (STU) ay magsisilbi namang proteksyon sa ginawang green embarkment habang hindi pa lubusang yumayabong ang mga tinanim na bakawan o mangrove.

Ayon din sa paliwanag, ang enhanced breakwater at sediment trapping unit ay gagamitin lamang sa maikling panahon habang hindi pa lubusang naabot ng Green Embarkment ang maximum potential nito.

Pinondohan ng pamahalaan ng Kingdom of the Netherlands ang pagbalangkas at pagkukumpleto ng detailed engineering design ng proyekto habang popondohan naman ng pamahalaang lungsod ang mismong pagpapagawa. Target matapos sa susunod na anim na buwan.

Para naman kay Ambassador Geraedts, ang pagsuportang ito ng Netherlands ay patunay ng malakas na pagtutulungan at alyansa ng diplomatikong relasyon nito sa Pilipinas. Gayundin ang matatag na pagtugon nito sa Sustainable Development Goals (SDG) at sa 2015 Paris Climate Agreement ng United Nations.

“Layunin din ng bansang Netherlands ang maibahagi hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo na may parehas na suluranin ang naging solusyon nila laban sa pagbabaha,” dagdag pa ni Geraedts.

Kung matatandaan ang mga bayan ng Obando, Bulakan, Paombong, Hagonoy, Calumpit, Macabebe, Masantol, Sasmuan, Lubao at Malolos ay nagsimulang magkaroon ng pagpupulong upang matugunan ang problema na ito noong 2010 sa bisa ng Declaration of Inter-LGU Cooperation samantalang ang ABB-BP naman ay nalikha kaalinsunod sa Memorandum of Agreement noong taong 2017 at 2019.

Dumalo naman at nagpakita ng suporta ang mga kinatawan ng mga miyembro ng ABB-BP, mga kinatawan ng Pamahalaang Lalawigan ng Bulacan, Abgdo. Mildred Ople, CENRO OIC Amiel Cruz at si Vice Mayor Miguel Alberto T. Bautista. (UnliNews Online)

Sources: Malolos CIO & PIA Bulacan

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments