Thursday, October 17, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsNUP sa Bulacan, mas lalong lumawak at tumatag!

NUP sa Bulacan, mas lalong lumawak at tumatag!

LUNGSOD NG MALOLOS — Mas lalong lumawak at tumatag ang bilang ng mga miyembro ng National Unity Party (NUP) sa lalawigan ng Bulacan matapos manumpa ang humigit-kumulang 200 mga bagong kasapi kay Bulacan Gob. Daniel R. Fernando, provincial chairman ng partido sa isang simpleng seremonya sa Edsa Shangri-La Hotel Sa Mandaluyong City noong Huwebes (Sept. 12).

Kabilang sa nanumpa na magiging tapat sa lapian ang mga incumbent, mga muling tatakbo at kakandidato bilang mga board member, mayor, vice mayor, at konsehales sa eleksyon sa Mayo 2025.

Maliban kay Fernando, nagbigay ng buong buong suporta at pagtanggap sina NUP Secretary General Reginald Velasco at Deputy Secretary General Rex Dela Cruz sa naturang oath taking sa lapian.

ANG mga dating ng miyembro ng NUP na kasalukuyang nakaupo bilang mga alkalde na kinabibilangan nina Enrico Roque (Pandi), Ronaldo Flores (DRT), Eladio Gonzales Jr. (Balagtas), Bartolome Ramos (Sta. Maria), Jocell Vistan (Plaridel), Mary Anne Marcos (Paombong), Henry Lutao (Marilao), Maria Rosario Ochoa (Pulilan), Glorime Faustino (Calumpit), Elena Germar (Norzagaray), Francis Juan (Bustos) at sina Mayor Estrella (Baliwag) at Mayor Galvez (San Ildefonso). (Kuha ni Manny D. Balbin)

Ayon kay Velasco, ang tambalang “Fernando-Castro” sa Bulacan ang mga mangungunang kandidato sa darating na eleksyon sa Bulacan at ang magtatangkang lumaban sa dalawa ay nais ng mag-suicide.

“Ito lang ang tambalang (Fernando-Castro) nakilala na parehong guwapo sa lahat ng mga public officials sa bansa,” ani Velasco.

Pinangunahan ni City of baliwag Mayor Ferdie Estrella at San Ildefonso Mayor Fernando “Gazo” Galvez ang mga nakaupong alkalde na nanumpa sa lapian habang si dating Mayor Leonardo De Leon naman para sa mga magbabalik na mayor sa darating na halalan. Kabilang naman sa bagong kakandidatong alkalde na nanumpa si Atty. Antonio Ligon, dating bokal ng ikatlong distrito na kakandidato bilang mayor ng Bayan ng San Miguel.

Dumating para saksihan ng mga dating ng miyembro ng NUP na kasalukuyang nakaupo bilang mga alkalde ang panunumpa ng mga bagong kasapi. Ito ay kinabibilangan ng 13 mula sa 24 na mga incumbent mayors — Enrico Roque (Pandi), Ronaldo Flores (DRT), Eladio Gonzales Jr. (Balagtas), Bartolome Ramos (Sta. Maria), Jocell Vistan (Plaridel), Mary Anne Marcos (Paombong), Henry Lutao (Marilao), Maria Rosario Ochoa (Pulilan), Glorime Faustino (Calumpit), Elena Germar (Norzagaray), Francis Juan (Bustos) at sina Mayor Estrella (Baliwag) at Mayor Galvez (San Ildefonso).

Dumating sa naturang panunumpa lapian sina Cong. Danny Domingo (1st District), Congw. Tina Pancho (2nd District) at Congw. Lorna Silverio (3rd District).

Napasalamat naman si Gob. Fernando dahil patuloy na dumarami ang mga kasapi ng NUP sa lalawigan ng Bulacan gayundin dahil sa pamumuno at pag-gabay ng lider ng kanilang partido, NUP Chairman Ronaldo Puno.

Sa kanyang mensahe, malugod na tinanggap ng People’s Governor ang mga bago at lilipat sa kanyang pinangungunahang lapian, ang mga incumbent at lalahok pa lamang sa 2025 election na mga mayors, vice mayors, konsehales.

Ayon kay Fernando, “Welcome ang mga bagong miyembro ng ating pamilya, isinusulong nating palawakin pa ang sakop ng ating adhikain. Our nation with one future, for our province of Bulacan. Karangalan kong pangunahan ang inyong sabayang panunumpa. Walang pinipili, walang maiiwan.”

Sinabi rin ng gobernador na marami ang nag-aalok sa kanya na ibang partido, pero nanatili siya sa NUP dahil naniniwala siya sa integridad nito at katapatan sa samahan ng bawat lider at miyembro nito at sa paglilingkod sa bayan. Ang NUP, aniya, ay may coalition sa Partido Federal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments