Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionEksena-dramang pulitika ng bansa

Eksena-dramang pulitika ng bansa

SA mga eksenang pulitika nang ating bansa ay nakikita natin ang mga samut-saring dramang ganap. Mula sa 89.9 bilyon PhilHealth fiasco na tumangging isauli ang hindi nagamit na subsidies galing sa kaban ng bayan hanggang sa over-acting na pagkakahuli kuno ni Pastor Quiboloy na halos buong hukbong kapulisan ang lumusob at giniba ang compound ng KOJC sa Davao at sa nag- pa-selfie na parang fans na sina Interior Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police Chief General Rommel Marbil ng wanted sa batas na si Alice Guo sa Indonesia kung saan natagpuan ang pugante.

Malaking eksena din ang pag-salang kay Vice President Sara Duterte sa huling budget hearing at kung paano ito pinag-tulungan sa mga isyu na dapat sagutin ng bise presidente na sa huli ay nabutata ang miyembro ng komite dahil na-buking ang kanilang tunay na hangaring ipahiya ito.

“Cross my heart, cross my heart ka pa d’yan. Tuparin niyo ang pangako ninyo.” Kinuwestion ni Sen Christopher “Bong” Go ang paghingi ng additional subsidy ng PhilHealth na gagamitin sa ‘improvement’ sa serbisyo ng ahensya matapos mabuking ang sobrang pondong 89.9 bilyon sa 500 bilyon reserbang budget na dapat ibalik sa National Treasury. Duda si Senator Go bilang Health Chairperson dahil bigo ang PhilHealth na matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan na may sakit at di makabayad sa ospital. (File photo)

Kitang -kita sa mga eksenang ganito na hindi seryoso na gawing maayos at tama sa kanilang mga mandato ang nasambit na mga tauhan ng ahensyang nasambit. Ang kagustuhan ni Solicitor General Menardo Guevarra na ibasura at harangin ng korte Suprema ang petisyon na ma-i-transfer sa National Treasury ang sobrang pondo ng ahensya at sa kanyang paniniwalang walang mali at violation sa mamamayan ang Philhealth ay nakababahala sa kapakakanan ng taong bayan.

Ayon nga ay Senator Bong Go, ay tila nawala na ang moral ascendancy ng ating mga mambabatas at gobyerno dahil sa tila tikom ang bibig at lagi na lang binibigyan ng justifications at magtago sa ngipin ng batas na puwede namang bigyan ng konsiderasyon para makinabang ang mga may sakit at walang pambayad na ating kababayan.

Sa ating obserbasyon ay kulang pa sa ‘polical maturity’ ang bansa, mas kinikilig pa ang karamihan sa 115 milyong pinoys sa mga eksenang nababalitaan at nakikita sa mga balita lalo na ang dramang sigawan, awayan, bintangan,bulgaran ng baho at kaunting kembot ay makulong dahil sa ‘contempt’ sa kongreso at senado.

Sa mga kaganapang pulitika ng bansa, bili muna tayo ng ‘popcorn’ at ating panuodin ang mga susunod na mga eksena sa drama ng mga pulitikong mahilig mag-grandstanding at magpangggap, malay natin, baka mayroon din tayong kapulutan ng aral sa mga eksenang ating aabangan. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments