ISANG makabuluhang pagtitipon ang isinaayos ng Philippine National Police (PNP) Pandi, Station, sa pagitan ng mga kasapi ng Municipal Advisory Council (MAC) at PNP, upang mabigyan ng pagkilala at suporta, ang proyektong Empowerment through Skills: Livelihood Training Series para sa Philippine National Police Force Multipliers, na ginanap sa SB Hall ng Bayang Pandi, kamakailan.
Ang “Empowerment through Skills: Livelihood Training Series” ay isang inisyatiba na naglalayong pahusayin ang mga kakayahan ng Philippine National Police (PNP) Force Multipliers, na kinabibilangan ng mga community volunteers at local leaders.
Mga Layunin ng PNP Force Multipliers ay ang mga sumusunod. Pag-unlad ng Kasanayan: Ang pangunahing layunin ng pag-unlad ng kasanayan sa loob ng Philippine National Police (PNP) Force Multipliers ay pahusayin ang mga kakayahan ng mga miyembro ng komunidad, na nagbibigay-daan sa kanila na epektibong tumulong sa pagpapatupad ng batas at mga hakbangin sa kaligtasan ng publiko.
Tulad ng livelihood enhancement ay naglalayong mapabuti ang kalagayang pang-ekonomiya ng mga miyembro ng komunidad na kasangkot sa PNP. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa mga mapagkukunan, pagsasanay, at suporta para sa mga aktibidad na kumikita, ang programa ay naglalayong bigyang kapangyarihan ang mga indibidwal sa ekonomiya, sa gayon ay binabawasan ang kahinaan sa krimen at pagyamanin ang isang mas ligtas na kapaligiran sa komunidad.
Sa propesyonal na tagumpay at paglago, ay nakatuon sa pagsulong ng kaalaman at kakayahan ng mga indibidwal na nauugnay sa PNP. Kabilang dito ang tuloy-tuloy na edukasyon at mga pagsasanay sa mas makabuluhang mga tungkulin sa loob ng kanilang mga komunidad o sa pakikipagtulungan sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas, na sa huli ay humahantong sa isang mas propesyonal na diskarte sa mga pagsisikap sa pagpupulis ng komunidad.
Ang Epekto sa Komunidad ng pangkalahatang layunin sa mga hakbangin na ito ay lumikha ng positibong epekto sa komunidad sa pamamagitan ng pagpapatibay ng tiwala sa pagitan ng mga mamamayan at tagapagpatupad ng batas.
Ang nasabing pulong at adyenda ay pinamahalaan at pinangunahan ni PLt. Col Rey Apolonio, Hepe ng Pulisya ng bayang Pandi, na ipinabatid ang paglulunsad ng empowerment sa pamamagitan ng mga kasanayan at serye ng pagsasanay ng PNP force multifliers na incorporation sa PESO, kasama ang update ng proyektong EDUC.
Ayon naman sa namuno sa paguusap na si Kgg. Lui Sebastian, Vice Mayor ng Bayang Pandi, na sa ngalan anya ni Mayor Rico Roque, ay sumasaludo at sumusuporta sila sa mamamayan ng Pandi at sa kapulisan, sa mga agyenda na nais na ma-extend para sa mamamayan ng bayang naturan,
“Sa adyenda na tunay na maganda na ibinibigay ng kapulisan, sa bayan ng Pandi. Hindi man po sobrang perpekto sa bawat isa, ibinibigay natin ang 100 percent, na suporta ng mga tao sa likod ng programa ng kapulisan. Sana ang inyong proyekto o programa ay maging matagumpay, para po sa mga PNP force multifliers, na tunay na ibinibigay ang kanilang sarili para matulungan ang bayan ng Pandi, ang kapulisan, ang panunungkulan po namin ni Mayor Rico at ng team ng Puso at Talino, marami pong salamat sa inyong lahat,” patapos ni VM Sebastian. (UnliNews Online)