Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsBulacan, lumagda sa mga kasunduan para sa Green Carbon Project at PAFES

Bulacan, lumagda sa mga kasunduan para sa Green Carbon Project at PAFES

LUNGSOD NG MALOLOS — Sa pagsisikap tungo sa sustenableng pag-unlad at pagpapahusay ng mga lokal na produktong pang-agrikultura ng lalawigan, lumagda ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mga kasunduan kasama ang Alluma Energy Management Solution at Green Carbon Inc. para sa Green Carbon Project at sa Department of Agriculture – Agricultural Training Institute RTC III para sa Province-Led Agriculture and Fisheries Extension System (PAFES) na ginanap sa VIP Lounge, Provincial Capitol Building dito noong Tuesday (Aept. 17).

Gabay ang kanilang bisyon na “saving the earth with the power of life,” mabebenepisyuhan ng Green Carbon Project ang mga bayan ng San Miguel, San Ildefonso, Pulilan at Lungsod ng Baliwag, may tig-200 ektaryang palayan bawat isa, sa pagpapabuti ng kanilang carbon dioxide absorption at pagbabawas ng greenhouse gas emissions; magbibigay din ng mga buto at punla sa mga magsasaka upang matulungan silang mapalakas ang kanilang katatagan sa pananalapi sa pamamagitan ng kita mula sa mga carbon credit.

IGINAWAD ni Gobernador Daniel R. Fernando ang Kapasiyahan Blg. 662-2024 kay Rita Lim, maybahay ng yumaong si Dr. Henry Lim Bon Liong, bilang pagbibigay pugay sa kanyang katangi-tanging kontribusyon sa industriya ng agrikultura at paglago ng ekonomiya ng Bulacan na ginanap sa VIP Lounge, Provincial Capitol Building, Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon. Kasama sa larawan ang anak ni Dr. Liong na si Michelle Lim-Gankee, CEO ng SL Agritech Corporation at Abgd. Gerald Dick B. Baro, kinatawan ni Bise Gob. Alexis C. Castro. (PPAO)

Samantala, magiging katuwang naman ang DA sa pagpaplano, pamumuhunan, pagpapatupad at pagmomonitor ng mga prayoridad na proyekto sa lalawigan sa pamamagitan ng PAFES na magpapalakas sa kolaborasyon nito sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at magsisilbing extension hub na mag-synchronize ng mga agrikuktural na plano at programa gayundin ang pagsasagawa ng mga aktibidad para sa mga lokal na magsasaka at mangingisda.

Bukod sa paglagda sa mga kasunduang ito, nagbigay pugay rin si Gobernador Daniel R. Fernando kay yumaong Dr. Henry Lim Bon Liong, isang kilalang pilantropo at tagapangulo at CEO ng SL Agritech Corporation na siyang tagapagsulong ng Hybrid Rice Commercialization sa bansa, sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg. 662-2024.

“Dr. Henry Lim Bon Liong, your dedication to promoting the enhancement of Hybrid Rice Technology is truly inspiring. Thank you for being a driving force in our agricultural and economic development,” anang gobernador.

Kasama ni Fernando sa paglagda sina Director Luis M. Araneta ng Alluma Energy Management Solution; G. Takato Senoo, COO ng Green Carbon Inc.; Director Joey A. Belarmino at Planning Officer Marciano C. Santos ng ATI-RTC III; pamilya ni Dr. Henry Lim Bon Liong kasama ang asawa nito na si Rita Lim at anak na si Michelle Lim-Gankee, CEO ng SL Agritech Corporation. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments