Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTVendors Partylist, bitbit si Diwata sa San Rafael Public Market

Vendors Partylist, bitbit si Diwata sa San Rafael Public Market

NOONG isang araw ay napagawi kami ng aking mga kasamang mamamahayag sa bayan ng San Rafael, upang kapanayamin si Mayor Mark “Kuya Cholo” Violago, pero puno ng mga bisita ang tanggapan ni Mayor Cholo. Inalam namin kung sinong VIP ang inuusyoso ng mga tauhan ng munisipyo at nagpapa-selfie pa sila. Ang YouTube sensation na si Diwata pala ang pinagkakaguluhan ng mga tao sa munisipyo.

Nalaman namin na bisita pala ni Mayor Cholo ang buong team ng Vendors Partylist, na pinangungunahan ng Bulakenyang si Marilou Lipana. Naroon din si Lor Pisigan, 2nd nominee at si Diwata na siya namang 3rd nominees ng Vendors Partylist. Hindi na namin na-interview si Mayor Cholo dahil sinabi niya na sasama sa programa ng Vendors Partylist sa San Rafael Public Market.

Pinasaya nina Malou Lipana, Lor Pisigan at Diwata, ng Vendors Partylist ang mga manininda ng San Rafael Public Market.

Kasama si Mayor Violago nina Lipana, Pisigan at Diwata sa pag-iikot sa palengke at kinukumusta ang mga vendors. May sound system na gamit ang nasabing Partylist at habang iniikot nila ang buong palengke ay nagsasalita naman si Diwata gamit ang microphone kaya dinig na dinig sa buong palengke ang boses niya.

Pagkatapos na maikot ang palengke ay nagsagawa ng programa ang Vendors Partylist. Nagsipagsalita sina Lipana, Pisigan at Diwata at ipinaliwanag sa nga taong naroon na ang nasabing Partylist ang siyang papatnubay sa mga manininda sa buong Pilipinas at sila ang magiging boses ng mga vendors sa Kongreso.

Nagsagawa rin ng palaro ang Vendors Partylist sa pangunguna ni Diwata tulad ng ‘bring me’ hephep horraay’ at iba pa. Maraming papremyong appliances ang natanggap ng lahat ng nagwagi sa palaro. Bukod sa premyong kasangkapan nagbahagi rin ng cash prices si Mayor Violago kaya mapapalad ang lahat ng kalahok dahil mayroon pa silang pamasahe sa kagandahang-loob ni Mayor Cholo.

Sa aming panayam kay Lipana ay sinabi niya na ang mga mangangalakal ng Pilipinas ay bayani ng araw-araw na buhay. Kailangan anya nila ang boses sa gobyerno para maiparating ang kanilang mga pangangailangan. Layunin din umano ng Vendors Partylist ay ang Tunay na Representasyon ng nasabing sektor

Idinagdag pa ni Lipana na kailangan ang Pagpapalakas ng Sektor ng Micro-Enterprises, Pagsulong ng Kultura at Tradisyon, at Pagsuporta sa Makabagong Teknolohiya at Merkado. Maging ang sektor ng mga negosyoyante at mga vendor ay mahalaga sa ating lipunan
“Sila ang mga taong nagbibigay ng mga produkto at serbisyo na kailangan natin araw-araw kaya naman ang Vendors Partylist ay magiging boses nila sa pamahalaan upang itaguyod ang kanilang mga karapatan at interes, ” ani Lipana.

Sinabi naman ni Lor Pisigan, isa mga tagapagsulongnngbVendors Partylist na sa pamamagitan anya ng kanilang kinatawan sa Kongreso, maaari nilang isulong ang mga polisiya na makakatulong sa pagpapalago at pag-innovate ng kanilang sektor para na rin sa kabuuang kaunlaran ng ating bansa kaya kailangan ang isang party list na may puso, magsisilbi ng tapat at walang tawad.”

Ang kilalang YouTube sensation na si Diwata, ay hinimok niya ang mga vendor sa San Ildefonso na makiisa sa adhikaing isinusulong ng Vendors Partylist dahil siya rin ay isang vendor sa kalsada. Ang kapakanan anya ng mga vendors, mga entrepreneur maging ang mga negosyoyante ang prayoridad ng Vendors Partylist kaya dapat anyang tangkilikin ang mga adhikain nito, sabi ni Diwata. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments