LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Itinanghal na “Youngest Woman National Master in the Philippines” sa larangan ng larong chess dahil sa kanyang angking galing.
ang batang Malolenya na kinilalang si Daniella Bianca Cruz ay nagwagi sa 2021 National Age Group Hybrid Chess Championships Grand Finals na ginanap online noong ika-26 ng Hunyo hanggang ika-29 ng Hunyo.
Siya ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Asian Schools Chess Championship na gaganapin sa Hulyo 23 hanggang 25 at sa FIDE online World Cadet na gaganapin sa Agosto 1 hanggang 31 ngayong taon.
Malugod siyang binati kamakailan ni Mayor Christian D. Natividad sa harap ng mga kawani ng Malolos City Hall sa ginanap na flag ceremony noong Lunes (April 17). (UnliNews Online)