Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeLifestyleEvents & HangoutsIka-47 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng DRT, ipinagdiwang

Ika-47 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng DRT, ipinagdiwang

Nina Verna Santos & Allan Casipit

DRT, Bulacan — Pinangunahan nina Mayor Ronaldo Tigas Flores at ang kanyang kabiyak na si Vice Mayor Marita L. Flores ang pagdiriwang ng ika-47 taon ng pagkakatatag ng Bayan ng Doña Remedios Trinidad na sinimulan noong Setyembre 9 hanggang 13, 2024 na may Temang: Pamahalaang Gumagabay, Tungo sa Maginhawang Buhay!

Ang pagdiriwang ay sinimulan sa isang makulay at pagbibigay-pugay sa kasaysayan at mga tagumpay, kaalinsabay nito ang programang “Gawad Parangal” upang kilalanin at bigyan ng parangal ang mga indibidwal, grupo, o institusyon na nagpakita ng natatanging kontribusyon at kahusayan sa kanilang larangan.

Sinundan ito ng “Buklod Buhay o Kasalang Bayan” sa pamamagitan nito nabigyan ng pagkakataon ang mga magkasintahan o live-in partner na mapagtibay ang kanilang pagsasama sa sakramento ng kasal.

Sa ikatlong araw, dahil sa may kalayuan ang bayan ng DRT ay naghatid ng serbisyo ang Department of Foreign Affairs (DFA) at PESO-DRT para sa maiayos at magkaroon ng pasaporte ang mamamayang nangangailangan nito.

Nagkaroon din ng pagpapahalaga at parangal sa mga guro at mag-aaral noong Setyembre 12, 2024 bilang pasasalamat sa kanilang dedikasyon at husay.

At bilang pagtatapos ng naturang okasyon, nag-alay ng isang Banal na Misa ang mga lingkod bayan at mamamayang DRTenyo bilang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap ng nabanggit na bayan.
.
Sa pagbabalik-tanaw sa kasaysayan, ang pangalang Doña Remedios Trinidad ay hango sa pangalan ng yumaong ina ng dating Unang Ginang, Imelda Romualdez Marcos.

Ang bayang ito ay natatag sa bisa ng Presidential Decree No. 1196 na nilagdaan ng yumaong Pangulo Ferdinand Edralin Marcos, Sr. noong Setyembre 13, 1977. Ito ay may lawak na 93,297.9826 hektarya, isa-ikatlong bahagi o one-third ng buong Bulacan at binubuo ng 8 Barangay: Pulong Sampaloc, Camachile, Sapang Bulak, Bayabas, Kabayunan, Talbak, Camachin at Kalawakan.

Ang unang nanuparan na Punong Bayan ng DRT ay si Gov. Ignacio “Nacing” Santiago. Sumunod na naging Acting Mayor ay si Mayora Viring Suarez ng Angat.

Sa kasalukuyan ay isang First Class Municipality na ang DRT dahil sa mahusay na pamamahala ng “Double Flores” ay patuloy sa pag-unlad ang kanilang bayan lalo na sa larangan ng turismo. Sabi nga, “DRT is Bulacan’s Last Frontier and Potentially Number One.” (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments