HINDI pa nagtatagal si Anne Curtis sa Milan para sa pagrampa niya sa Milan Fashion Week ay mukhang miss na niya ang anak na si Dahlia.
Sa bago niyang posted flower pictures ay nilagyan niya itong “Daaaahliaaaaaa’s”
Nasa Milan si Anne para irampa ang mga bagong Gucci collection sa MFW.
May paalala naman ang netizens sa kanilang komento. “Excited to see your MFW Ootd. Pero ingat lang sa fandom ni ano baka ibash ka na naman like before.”
Knows ng ibang netizens kung sino ang tinutukoy ng commenter.
“Sorry pero wala silang issue dear.”
“I know pero yung mga fans niya. I remember nung sinuot niya ang @loewe daming keneso mga fans niya.”
“Kayo lang nagpapa issue, tulad ngayon inungkat mo pa talaga.
Hala, mukhang madadamay pa si Anne sa patutsada ng mga faney ng dalawang kampo na laging nagpaparinigan kapag may fashion week, ang fandom ni Heart Evangelista at Pia Wurtzbach.
“Unbothered si ANNE DEAR”
“Exactly and she’s her own lane and winning in life as a super”
“Anne has no issue with other pepsz from the fashion industry sorry”
Well, wala namang dapat ikabahala ang fans ng dalawang fandom dahil hindi big treat sa kanilang ina-idolize na fashion icon ang nag-iisang Anne Curtis.
Sabi nga ng TV host/actress, nasa MFW lang siya for her Gucci family. (UnliNews Online)